Napunta ang cash prize ni Michelle Marquez Dee na napanalunan niya sa Voice for Change Challenge sa 2023 Miss Universe sa kanyang tinitulungan na organization na Autism Society of the Philippines. Ang buong amount ay P684,000.
“It was my privilege to finally present the Voice For Change award to Autism Society of the Philippines after our nationwide upward battle to win this special award. Alam natin yan. The program aims to provide full-time employment or opportunities to earn for our brothers and sisters who have autism,” sey ng former Miss Universe Philippines 2023.
Higit na 300 individuals ang kasalukuyang tine-train ng naturang organization at puwede pa raw itong dumami pa.
“One step is still a step forward. Little by little, day by day, we’ll champion towards an autism-okay Philippines,” sey ni Michelle na may dalawang kapatid na may autism spectrum.
Tom, kinabahan kay Lilet...
Hindi pala totoong bumalik na sa US si Tom Rodriguez dahil nandito siya at nagte-taping dahil siya ang bagong cast member para sa second season ng GMA Afternoon Prime teleserye na Lilet Matias: Attorney-at-Law.
Nag-taping si Tom para sa pang-100th episode ng naturang teleserye at winelcome siya ng buong cast and crew.
Inamin ni Tom na kinabahan siya sa first day sa show dahil ang tagal na raw niyang hindi umaarte. Last teleserye niya ay The World Between Us na nagtapos noong 2022 pa.
Matagal na raw niyang gustong makatrabaho si Jo Berry. Sa set lang daw niya ito personal na nakilala.
Angelina at anak, nag-bonding sa tattoo
May special bond si Angelina Jolie at ang daughter niyang si Vivienne at ito ay ang magpa-tattoo sila ng words na “Stay Gold”.
Hango raw ang words sa song ng Broadway musical version na The Outsiders kunsaan co-producer si Jolie.
Paraan ng self-expression ni Jolie ang magpa-tattoo. May tattoo rin siya ng isang ibon na simbolo ng iba niyang mga anak na sina Maddox, Pax, Zahara, Shiloh, and Knox.