^

Pang Movies

MTRCB, magkakaroon na ng power sa streaming?!

Gorgy Rula - Pang-masa
MTRCB, magkakaroon na ng power sa streaming?!
Paolo Contis

MANILA, Philippines — Marami ang nagtataka bakit nanahimik na raw ngayon ang Mavx Productions sa isyu nang pagka-X ng pelikulang Dear Satan.

Ang sabi ng ilang napagtanungan namin, medyo nag-iingat na lang daw ang naturang produksyon dahil may schedule naman ang pelikulang ito sa Netflix.

Mas lalong nagkainteres nga raw ang Netflix dahil sa isyu rito.

Pero gusto pa rin daw sana nilang magkaroon ito ng theatrical release. Kaya lang mukhang pang-streaming service muna ito.

Ang problema, pinag-uusapan na raw ngayon ang pag-amyenda ng Presidential Decree 1986 ng MTRCB.

At kung maamyendahan ito, tiyak na sasakupin na raw ng MTRCB ang streaming at mga palabas online.

Mas lumawak ang mandato nila, na ngayon pa lang ay nagre-react na ang mga taga-entertainment industry.

Kontrang-kontra sila sa posibleng pag-control ng MTRCB sa streaming platforms.

Napapag-usapan na rin daw na kung sakaling mangyari ito, malaki raw ang posibilidad na magpu-pullout na lang ang Netflix sa ating bansa.

Sabi nga ng isang producer, bago raw panghimasukan ng MTRCB ang strea­ming, bakit hindi raw unahin muna nitong ma-block ang mga porn site?

Mahabang usapin ‘pag nagkataon.

Samantala, dedma na muna si Paolo Contis sa isyung ito ng Dear Satan, na naging Dear Santa na. Nasa Mavx na raw ang pagpapasiya.

Nakatakda nang lumipad patungong New Zealand si Paolo para sa shooting ng pelikulang gagawin niya sa M16 Productions kasama ang dating beauty queen na si Kelley Day, at ididirek ni Louie Ignacio.

Jodi, ‘naghuhubad’ bago umuwi

Tuwang-tuwa si Jodi Sta. Maria na finally nakapagtrabaho na raw siya sa Regal, at si Derrick Cabrido pagkatapos nilang gawin ang Clarita.

Pero sa totoo lang, medyo nahirapan talaga si Jodi na pagsabayin ang shooting ng Untold at ng teleserye niyang Lavender Fields.

Pero tiniyak daw niyang mahubad ang character ni Vivian sa pelikulang Untold, bago siya pumasok sa taping ng Lavender Fields.

Ani Jodi, “At first ‘yun talaga ‘yung challenge for me. Sabi ko, hindi ako sanay talaga na nagsasabay ng dalawang proyekto, it’s just na parang when the script was offered parang ahhhh do I say no to this one na parang gusto ko rin siyang gawin.

“Of course, I do second step to be able to… more of like switch from Lavender to Vivian is my role here.

“So, ang nangyari a lot of visualization and meditation to remind of myself that it’s a character. After the shoot, tanggal ‘yung character and then you go home as yourself and then pagdating mo sa isang set, para kang nagbihis ng damit, ako naman si Lavender Fields.”

Pero sa kabila ng patung-patong niyang schedule, kapag kailangan daw siya ng anak niya, available siya.

“Alam mo kahit gaano ako ka-busy basta si Thirdy ang tumawag, ang Mommy laging nandiyan. Hindi puwede, oo, kasi bago ako artista, nanay muna ako ni Thirdy,” bulalas pa niya..

Abala lang daw ngayon si Thirdy sa school, pero kapag okay na ang schedule nila, magbibiyahe raw silang mag-ina.

“Si Thirdy actually is my favorite travel buddy. It’s just that, mas busy ang schedule ng bata ngayon because, ano na siya, second year college na siya. Ang bilis ng panahon ‘di ba?” napapangiti niyang pahayag.

MTRCB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with