Reyna ng adult videos, nanay na ni David
Siguradong hindi puwedeng pagpantasyahan ni David Licauco ang former Japanese adult film star na si Maria Ozawa dahil gumaganap itong nanay niya sa Pulang Araw ng GMA Prime.
Unang eksena raw ni David with Maria ay nung sinalubong siya pagdating niya sa bahay pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa Japan. Aminado ang Kapuso actor na na-starstruck siya sa Japanese actress.
Nag-viral noon si David sa kanyang guesting sa Family Feud noong January nang banggitin ng aktor ang “Ozawa,” nang hingan siya ng mga pangalang nagsisimula sa “Maria.”
Nagkomento naman si Maria sa naturang viral clip ni David at tinawag niya ito na “cute.”
Taong 2005 nung gumawa ng adult videos sa Japan si Maria gamit ang screen name na Miyabi. After five years ay nag-quit na siya sa paggawa ng adult films para maging seryosong aktres at businesswoman.
In 2015, ginawa ni Maria ang pelikulang Nilalang with Cesar Montano. Naging boyfriend naman niya ang celebrity chef na si Jose Sarasola. Nag-break sila nung 2021.
Throwback….Snooky, na-heart broken kay Gabby
Bagama’t first love ni Snooky Serna si Albert Martinez, iba naman daw ang dating sa kanya ni Gabby Concepcion.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Snooky na pinaka-special sa mga naging leading men niya si Gabby.
“Richard (Gomez) was part of Blusang Itim, Albert was my first love, pero si Gabby kasi parang may special chemistry kami. Ako, I felt the chemistry. ‘Yung sa pag-arte namin, parang we would read each other’s minds, tapos ‘yung pati sa itsura namin. Ewan ko ha, kasi ito ‘yung sabi sa akin ni Mother Lily palagi, na parang, ‘Hay naku, Snooky-Gabby, gusto ko ‘yan. Kasi parehong mestizo, mestiza, maganda, gwapo, bagay na bagay,’” sabi ni Snooky.
Inamin rin ng former child star na si Gabby ang kanyang naging “puppy love” at nasaktan siya noong may ibang niligawan ang aktor at ito ay walang iba kundi si Sharon Cuneta.
“Parang first puppy love ko yata talaga si Gabby. I can now openly say it dahil matatanda na kami,” sey ni Snooky.
Nagsama sina Snooky at Gabby sa mga pelikulang Summer Love, Hello Young Lovers, Bakit Iisa Ang Pag-ibig?, Minsan Isang Tag-Init, The Graduates, Sa Puso Ko Hahalik Ang Mundo, Lord Bakit Ako Pa?, Hahamakin Lahat, at Kailan Dalawa Ang Puso?
Mga suspek sa pagkamatay ni Matthew Perry, na-charge na
Sa pagbukas ulit ng kaso sa pagkamatay ng Friends star na si Matthew Perry noong October 2023, limang tao ang inaresto na may kinalaman sa pagpanaw ng aktor dahil sa ketamine overdose.
Ang mga inaresto ay sina Dr. Salvador Plasencia and Dr. Mark Chavez, Perry’s live-in assistant Kenneth Iwamasa, drug dealer Eric Fleming and so-called “Ketamine Queen” Jasveen Sangha.
Ayon sa report ng Extra: “Sangha and Plasencia are charged with one count of conspiracy to distribute ketamine. Sangha also is charged with one count of maintaining a drug-involved premises, one count of possession with intent to distribute methamphetamine, one count of possession with intent to distribute ketamine, and five counts of distribution of ketamine. Estrada stated that Plasencia charged Perry $55,000 in cash for the ketamine.”
Plasencia faces 120 years in prison, and Sangha faces life.
Natagpuang wala nang buhay si Perry sa kanyang bahay sa Pacific Palisades. He was floating face down sa kanyang jacuzzi. Cause of death was “acute effects of ketamine and subsequent drowning.”
- Latest