^

Pang Movies

Yassi, naiyak nang mag-commute!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Yassi, naiyak nang mag-commute!
Yassi Pressman
STAR/File

Hindi napigilan ng aktres na si Yassi Pressman na maging emosyonal dahil sa naranasan niya sa sasakyan na na-book niya gamit ang isang ride-hailing app.

Ipinost ng actress ang naging pag-uusap nila ng driver na nagngangalang Josh. Sinabi nito sa aktres na ipinangalan nila ng kanyang misis ang anak nila kay Yassi at ipinakita pa nito ang litrato ng anak.

Makikita sa video na na-touch ang kapatid ni Issa Pressman at naging emosyonal. Ang swerte raw niya na ito ang nag-drive sa kanya.

Tila nagbigay rin siya ng video greeting sa mag-ina ni Josh bago bumaba at nagpasalamat.

Hindi nga raw niya akalaing makikilala ang driver sa kanyang kakaibang commuting expe­rience kung saan ipinangalan pa mismo sa kanya ang anak nito.

“the universe will always have a way of telling you that you are surrounded by so much love and i hope you guys feel that too,” bahagi ng caption niya.

Pagbaba nga niya ay sinabi niyang kinilig daw talaga siya sa mga sinabi ng driver.

Marami rin ang na-touch sa pagkikita nila at hindi raw coincidence ang nangyari sa kanila dahil nakikinig daw ang universe.

Pero sa kanyang social media account ay marami pa ang nagkomento na pinangalan din nila sa kanilang anak ay Yassi na sinasagot din ng aktres. Bongga.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with