^

Pang Movies

Kylie, nadadamay sa kontrobersya ng marital rape

ABOUT SOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kylie, nadadamay sa kontrobersya ng marital rape
Kylie Padilla.
STAR/ File

Tinawag na kunsintidorang maybahay si Mariel Rodriguez dahil sa comment niyang “Oh may consent yan ah” sa pinost na photo nila ng asawang si Sen. Robin Padilla na nagki-kiss sa kanyang birthday party. Kaugnay ito sa controversial issue na kinasasangkutang ng senador tungkol sa marital rape.

Sa Facebook post, nag-sorry si Robin sa mga hindi nagustuhan ang kanyang panig sa usaping ito. “Sa mga na offend po o hindi nagustuhan ang aming pagdinig patungkol sa marital rape mga kababayan paumanhin po para rin po sa inyong kaalaman ang aking committee po at public information. Ito pong Committee na ito matagal na panahin ay tulog, hindi po ito nagagamit ng tama kahit nasa constitution ang public information,” sabi ni Robin.

Sinundan ito ng isa pang post na “Chairman po ako ng Committee on public information. Trabaho ko po ang palaganapin ang batas na umiiral sa bayan. Maraming salamat na rin po sa pagsuporta sa pagpapalaki ng isyu. Kailangan lamang po ninyo linawin ang posisyon n’yo. Wag po kayong mag alala, ako po ay may resolution din na in aid of legislation. Ang mga sexual harassment, abuse at rape ng New People’s Army na ang biktima ay Gabriela.”

Binanatan si Robin dahil sa mga isinagot kay Atty. Lorna Kapunan sa hearing tungkol sa sexual harassment at napag-usapan nga ang spousal consent. Kaya napa-comment si Mariel na may consent ang kiss ni Robin na obviously nagbibiro na hindi nagustuhan ng netizens.

Lalo pang nag-react ang netizens sa sagot ni Robin sa comment na ‘yun ni Mariel na “Hello babe I’m in heat” na sinagot ni Mariel ng “Robin Padilla it’s a tie... i’m feeling hot hot hot.”

May nag-comment sa exchange convo ng mag-asawa. Nakakahiya raw ang ginawa nila at damage control ang ginawa ni Mariel for her husband. May nagtanong naman kung seryoso ba sina Robin at Mariel sa kanilang convo at may nagpayo pa kay Robin na maging professional.

Hahaba pa ang usaping ito, kaya hintayin natin ang mga susunod pang comment para kina Robin at Mariel. Pati nga si Kylie Padilla, idinamay ng iba. Ano raw kaya ang pakiramdam ni Kylie sa isyu ng ama niya ngayon?

K-drama actor, itatambal kay Alexa at Jillian

Sa Pilipinas na nga ipagpapatuloy ng South Korean actor na si Kim Ji Soo ang career niya dahil pagkatapos ng Black Rider, may gagawin siyang pelikula kasama si Alexa Ilacad. Tila Mujigae ang title ng movie na kasama rin sa cast sina Rufa Mae Quinto at Lito Pimentel.

Hindi pa man naipalalabas ang nasabing pelikula, may bagong project na uli siya sa GMA 7. May special role siya sa Abot-Kamay Na Pangarap at gaganap na Korean doctor sa series.

Request pa ng viewers, lagyan daw ng romantic angle sina Jillian Ward at Kim Ji Soo, never mind kung 31 years old na siya at si Jillian ay 18 years old pa lang.

Aga at mga anak, sa golf ang bonding

Ang paglalaro ng golf ang bonding ng magkapatid na Luigi at Andres Muhlach, mga anak ni Aga Muhlach. Ramdam ang tuwa ni Aga nang i-post ang reels na naggu-golf ang mga anak at may caption pa siya na “My 2 biiig boys!”

Sabi ng isang fan ng actor, mas maganda sana kung silang tatlo ang naggu-golf na nangyari na siguro, hindi lang natin nakita ang reels o video.

Golf set bag ang birthday gift ng kambal na si Andres at Atasha sa ama at sila pa ang nag-unboxing. May kasamang DIY birthday card na may drawing pa ni Aga.

vuukle comment

KYLIE

MARIEL

ROBIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with