^

Pang Movies

Daughter nina Janno at Bing, ikakasal na sa long-time GF!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Daughter nina Janno at Bing, ikakasal na sa long-time GF!
Marga Bernudez and Gabriella “Gabs” Gibbs.
STAR/ File

Engaged na ang youngest daughter nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Gabriella “Gabs” Gibbs sa long-time partner nito na si Marga Bernudez.

Last Aug. 16 ay ginulat ng queer couple ang kanilang followers nang i-post nila ang pag-propose ni Marga kay Gabs habang nasa isang skiing trip sila. “Prepare for the gayest wedding you will ever witness,” caption ni Gabs at Marga sa kanilang Instagram posts.

Sa IG Story ni Gabs, pinakita niya ang diamond engagement ring niya na personally designed by Marga and her mother, Bing Loyzaga.

Matagal nang may relasyon sina Gabs at Marga at na-feature sila sa Pride Month issue ng isang magazine. Naging inspirasyon sila ng maraming couples sa LGBTQIA+ community.

Kabilang sa mga bumati sa newly-engaged couple ay sina Nadine Lustre, Liz Uy, Leila Alcasid, Raymond Gutierrez, Georgina Wilson, Solenn Heussaff, Gabbi Garcia, and Andi Eigenmann.

Ogie, sumama ang loob kay Leila

Naging open si Ogie Alcasid sa naging sama ng loob nito sa kanyang panganay na si Leila Alcasid nung makipag-live in ito kasama ang boyfriend na si Mito Fabie. Si Leila ay anak ni Ogie sa ex-wife na si Miss Australia 1994 Michelle Van Eimeren. “Ito naman ay open naman ito, ‘yung panganay ko actually bumukod, na ikinasama ng loob ko at sinabi ko sa kanilang dalawa ng boyfriend niya, ‘Bakit hindi kayo nagsabi sa akin?’ E alam mo naman ang kabataan, hindi magsasabi ‘yan e at lalo mong pipigilin, gagawin pa rin nila. Hanggang sa sinabi ko, ‘Alam n’yo, masama ang loob ko sa inyo na nagawa n’yo ‘yan. Pero gayunpaman, kayo ay nag-a-adulting na, gawin n’yo ‘yan, bahala na kayo sa buhay n’yo.’” sey ni Ogie.

Gusto lang daw niya na magampanan ang papel niya bilang magulang sa kanyang mga anak. “Kami bilang magulang, nandiyan lang kami, naghihintay lagi kung kailan n’yo gusto bumalik. Halimbawa lang, may nangyari sa kanila na hindi sila magkatuluyan, nandoon ka pa rin mag-aabang, gano’n ang role namin.”

vuukle comment

GABRIELLA “GABS” GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with