^

Pang Movies

Kobe, na-pressure kay Kyline?!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kobe, na-pressure kay Kyline?!
Kyline

Nag-panic ang netizens nang hindi nila makita ang Instagram account ng anak ni Benjie Paras na si Kobe Paras.

Napakomento ang fans sa account ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara nang hindi nila mahanap at malamang deactivated ang account ng rumored boyfriend nito.

Napatanong naman ang iba kung bakit hindi na raw ito naka-follow sa actress na siguradong nakabantay kaya nalaman ito.

Meron namang netizens ang nagsabi na maaari raw nakulitan na ito dahil lagi itong tina-tag o mine-mention tuwing may post si Kyline. Totoo naman daw napapasaya ng dalawa ang mga tagahanga pero itigil na raw na parang responsibilidad ng mga ito na pakiligin sila dahil hindi naman daw magka-loveteam ang mga ito. Pine-pressure raw kasi ng mga ito na i-like ang bawat post ni Kyline.

Hindi rin daw naman ibig sabihin na nag-deactivate ito ay ili-link agad sa hiwalayan lalo na at wala pa naman silang inaamin. Sinabi nga ni Kobe na great friends lang sila na hindi pinaniniwalaan ng fans.

May nagsabi naman na may bago na raw itong account kagaya ni Cristine Reyes na nag-deactivate rin at pinaghihinalaang hiwalay na sa boyfriend na si Marco Gumabao.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with