^

Pang Movies

Kampo ni Jennylyn, gulat sa kapamilya contract signing

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kampo ni Jennylyn, gulat sa kapamilya contract signing
Jennylyn

Walang katotohanan ang mga naglabasang balita sa social media na pumirma na raw si Jennylyn Mercado ng kontrata sa ABS-CBN nitong nakaraang Miyerkules.

Unang lumabas sa X (dating Twitter) ang nasabing balita with matching photo pa ni Jen na may logo ng ABS-CBN sa background.

“BREAKING NEWS: Jennylyn Mercado isa nang ganap na Kapamilya matapos pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN ngayong araw ng Miyerkules. Abangan ang mga susunod na detalye sa gaganaping press conference bilang pag welcome sa bagong Kapamilya actress. Congratulations, bessy Jen!” ang caption ng nag-post.

Kinontak namin agad ang manager ni Jen na si Becky Aguila at tinanong tungkol dito.

“Fake news,” ang sagot ni tita Becky.

Nilinaw rin niyang fake rin ang larawang lumabas. Aniya, ang naturang photo na ginamit ay mula sa contract signing ni Jen sa GMA Netwok few years ago.

In-edit daw ang background nito at pinalitan ng logo ng ABS-CBN.

Hindi rin alam ni tita Becky kung bakit ginagawan si Jen ng mga maling balita at paulit-ulit na lang iniisyung lilipat ang aktres sa ABS-CBN.

Ang alam nga rin namin ay walang kabalak-balak talagang lumipat si Jen sa ibang network dahil solid ang kanyang loyalty sa GMA 7 at pinahahalagahan niya ang lahat ng nagawa ng network sa kanyang career.

Isang patunay na nga rin na mataas ang pagpapahalaga ni Jen sa loyalty at utang na loob is the fact na hanggang ngayon ay hindi rin niya iniiwan ang kanyang manager na si Tita Becky na mula noong nagsisimula pa siya ay kasama na niya.

Nilinaw na mismo ng aktres sa Beautederm launch niya last month na mananatili siyang Kapuso hangga’t gusto pa siya ng network. As for her contract renewal sa network, kasalukuyan pa itong inaayos at sinigurong pipirma siya once na okay na ito.

BINI, nadismaya sa paglala ng ibang blooms

Nagpahayag ng pagkalungkot at pagkadismaya ang miyembro ng Pinoy Pop Group na BINI sa fans nila na patuloy pa ring hindi inirerespeto ang kanilang privacy.

Sa tweet ni BINI Gwen sa kanyang X (dating Twitter), sinabi niyang palala raw nang palala ang sitwasyon.

“Nakakalungkot, palala na ng palala,” aniya.

Sa sumunod niyang tweet ay ikinuwento ng mi­yembro BINI ang ginawa ng fans na kinatok pa sila sa kanilang room para lang makapagpa-picture.

Ayon kay Gwen, sana naman daw ay irespeto ang kanilang privacy.

“I really hope everyone respect people’s privacy yung personal time we’re trying to adjust eh kase wala ganon na talaga, pero kahit privacy na lang,” aniya.

Ayon pa sa member ng Nation’s Girl Group, hangga’t maari ay talaga namang pinagbibigyan nila ang fans na nagpapa-picture pero ‘wag naman daw sanang umabot pa sa puntong kumakatok sa kwarto nila.

“We appreciate your love and support and we always try na mapagbigyan kayo sa pagpapicture but pleasee… not to the point you’ll go knock our rooms just for picture Thank you,”  aniya.

 Hindi ito ang unang pagkakataon na na-invade ng fans ang privacy ng girls. Kamakailan ay inireklamo rin nina Maloi at Aiah na habang kumakain sila kasama ang pamilya ay sinugod sila ng ilang Blooms para makapagpakuha ng picture.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with