Nanay ni Sandro, ayaw magsalita

Sinubukan naming kunin ang panig ng biological mother ni Sandro Muhlach na si Edith Millare-Capistrano na naka-base na sa New York, USA, sa nangyari sa anak niya pero ayaw rin nitong magsalita muna pero nalulungkot umano siya sa nangyari sa kanyang panganay.

Si Sandro (23) ay anak ni Niño Muhlach sa kanyang ex-wife na si Edith na sa Iloilo City naganap ang kasal nung 2000 pero ito’y nauwi sa kanilang paghihiwalay nung 2005.

Si Edith ay may bago nang pamilya sa New York habang si Onin ay may bago na ring partner, si Diane Tupaz at meron din silang isang anak, ang dating child star na si Alonzo Muhlach.

Si Sandro ay nagmula sa showbiz royalty family ng mga Muhlach na sinimulan ng magkakapatid na Amalia, Alex at Cheng Muhlach at sinundan ng second generation nina Aga, Arlene, Niño, Almira at Andrew Muhlach at pangatlong henerasyon naman sina Alonzo, Sandro at Alyssa Muhlach.

Namayapa na pareho sina Amalia at Cheng dahil kung nagkataong buhay ang mga ito ay tiyak na papalag sila sa nangyari sa kanilang apo na si Sandro. Habang tahimik lamang ang magkapatid na Aga at Arlene  Muhlach sa usaping ito, hindi puwedeng magpabaya ang ama mismo ni Sandro na si Niño at ama nitong si Alex Muhlach.

Matapos ang formal complaint ni Sandro (and his family) submitted to GMA management, nakatakda na ring mag-file ng criminal charges ang pamilya Muhlach against the two perpetrators na inaasahang mangyari noong Biyernes.

Show comments