Teacher Georcelle at Sarah, magkasira pa rin!
Inamin ng dance teacher and choreographer Georcelle Dapat-Sy na hindi pa sila nagkakausap ulit ni Sarah Geronimo.
Ayon sa founder ng G-Force: “No, we have not. You know, I’ve done a lot of collaborations with Sarah Geronimo, and those are treasured collaborations. I am very thankful. I am very blessed for all the collabs that we’ve done. So, I wish her all the best, and I hope that she wishes all the best also for my team.”
Naging malaking bahagi ng career ni Sarah si Georcelle for 16 years. Naging choreographer ito ni Sarah sa mga concert at sa music videos. Huling collaboration nila ay sa music video na Tala.
Noong mag-celebrate si Sarah ng kanyang 20th anniversary noong 2023, wala roon si Georchelle.
Ang naging dahilan ng falling out daw nila ni Sarah ay ang “artistic differences”.
Mara, ikakasal na
Malapit nang ikasal ang anak ni Maria Isabel Lopez na si Mara Lopez Yokohama.
Sa Instagram ni Mara, pinost nito ang ilang photos nila ng kanyang fiance na si Chandler Booth at one year na silang engaged.
Nag-propose si Chandler kay Mara sa New York City last year.
“The easiest ‘YES’ a year ago. Mahal na mahal kita, Chandler,” caption ni Mara.
Last month naganap ang bachelorette party ni Mara kasama ang closest friends niya sa California. Wala pang date kung kelan ang kanilang wedding.
Nakilala si Mara nung umabot ito sa Top 3 survivors ng Survivors Philippines: Celebrity Doubles Showdown in 2011 sa GMA. Nanalo rin si Mara ng best actress award for Palitan mula sa Cinema One Originals Digital Film Festival in 2012.
Robert Downey, tinanggap si Doctor Doom
Pagkatapos na magpaalam bilang Iron Man, balik sa Marvel Cinematic Universe si Robert Downey Jr. bilang si Doctor Doom.
Ni-reveal ito sa naganap na San Diego Comic-Con. Lalabas si Doctor Doom sa Avengers: Doomsday in 2026 at Avengers: Secret Wars in 2027.
Post ng aktor sa Instagram: “New mask, same task.”
Nag-retire si RDJ bilang Tony Stark/Iron Man in 2019 sa Avengers: Endgame.
In March 2024, nagwagi namam si RDJ ng kanyang first Oscar award as Best Supporting Actor para sa Oppenheimer.
- Latest