Negosyo ni Rachel Lobangco, anak na ang nagpapatakbo

Rachel Lobangco

Matagal nang hiwalay ang actress, painter, fire dancer, Thai chef and entrepreneur na si Rachel Lobangco sa ama ng kanyang anak na si Leona pero nananatili umano silang magkaibigan nito hanggang ngayon kahit meron na itong sariling pamilya ngayon. Nanatili rin itong co-parent sa kaisa-isang anak na si Leona na tapos na rin sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Leona is Rachel’s best friend and confidante. Para lamang silang magkabarkada kesa mag-ina ang turingan kaya very proud ang aktres sa kanyang kaisa-isang anak na napaka-organized sa lahat ng bagay maging sa pagtulong sa kanilang mga negosyo.

Pagdating sa business operation, mas madiskarte umano si Leona kaya tuwang-tuwa ang ina ni Rachel na si Elvie Pineda sa kanyang apo na malaki ang naitutulong sa kanilang negosyo. Pero kahit may boutique hotel, restaurant at beauty products business sila Rachel, hindi nito ikinakaila na hinahanap-hanap pa rin nito ang pagpi-perform sa harap ng maraming turista ng fire dancing laluna sa Boracay where she has a huge following.

“Before, I was doing it for fun pero ngayon ay nagpapabayad na ako,” aniya.

She does pole dancing as part of her exercise bilang fire dancer.

Since may business ang kanyang mom na si Elvie Pineda sa Bangkok for the longest time, pabalik-balik din umano sila ng Bangkok at Maynila dahil meron na rin umano silang sariling bahay in Bangkok kung saan nag-aral sa pagiging Thai chef ang dating Seiko sexy star na unang nakilalala sa pamamagitan ng kanyang hit beer Sh-boom TV commercial in 1989 na naging pasaporte niya sa pagpasok sa showbiz.

Show comments