Mga rescuer at news reporter, dapat pasalamatan
Ang lakas makalungkot ng bagyong Carina kahapon.
Grabe ang lakas ng buhos ng ulan, aakalain mong lulubog na ang Metro Manila.
Buti na lang at nung bandang hapon ay tumigil na.
Ang dami kong napanood sa TV na nanghihingi ng tulong dahil umaga pa lang daw ay umakyat na sila sa kanilang bubungan dahil sa baha. Pero hapon na ay hindi pa silang natutulungan.
Eh may mga bata raw silang kasama sa bubongan ng kanilang bahay.
Talagang nakakahabag.
Parang naalala ko ang bagyong Ondoy na ang dami ring sinalanta at talang lumubog ang maraming bahagi ng bansa.
Ngayon nangyari na naman.
Pero tama ‘yung sinabi Anne Curtis na ‘wag iwanan ang mga alagang aso na nakatali o nakakulong.
Lagi nating alalahanin na ang mga hayop tulad ng aso ay parang mga tao na buhay.
Paano nila maililigtas ang kanilang sarili kung nakatali sila o nasa loob ng kulungan.
Ang daming pininsala ng bagyong Carina na nag-umpisa sa Habagat lang pero idineklarang super typhoon nung bandang hapon na.
Buti na lang talaga at maraming nag-vounteer na rescuers at mga news reporter na naghahatid ng balita kung saang lugar grabe ang baha.
Ipagdasal natin ang lahat ng mga naapektuhan ng bagyong ito at nawa’y maging maayos ulit ang kanilang kabuhayan.
- Latest