Julia, ‘di nagpahuli sa birthday ni Coco!
Kitang-kita kung gaano ka-well-loved si Coco Martin sa industriya sa rami ng mga bumati sa kanyang kaarawan last Nov. 1
Kanya-kanyang pagbati sa aktor/direktor ang mga celebrities at katrabaho niya sa kani-kanilang social media accounts.
Siyempre, nanguna sa pagbati ang mga kasamahan niya sa FPJ’s Batang Quiapo na binigyan pa siya ng birthday surprise sa set na makikita sa official Instagram page ni Coco.
Isa si Cherry Pie Picache sa mga nagbigay ng madamdaming birthday greetings kay Coco.
Si Cherry Pie ang gumaganap na Marites na nanay ni Tanggol (Coco) sa BQ .
Ang ganda rin ng birthday greetings ni John Estrada na gumaganap namang Rigor, tatay ni Tanggol.
Pero siyempre, hindi rin nakalimot si Julia Montes na batiin ang long-time boyfriend.
“Super proud of you. Happy Happy Birthday,” ang simpleng mensahe ni Julia for Coco na umani ng katakut-takot na reaksyon mula sa kanilang fans.
Kobe inamin na si Kyline!
Finally ay umamin na rin si Kobe Paras na sila na ni Kyline Alcantara.
Sa video interview na inilabas ng Cosmopolitan sa kanilang Instagram account ay mapapanood na tinanong siya kung sino ang kanang biggest crush.
Walang kagatul-gatol na sagot ni Kobe, “Kyline Alcantara because we are dating!”
Kinilig naman ang netizens sa confession ni Kobe at marami ang pumuri na siya ang unang umamin bilang lalaki.
Matatandaang ilang beses na ring natanong si Kyline kung ano ang real score sa kanila pero ang lagi nga niyang sagot ay “what you see is what you get.” Aniya pa, “I don’t owe the public any explanation.”
Sa ngayon ay wala pa ring pahayag si Kyline sa pag-amin ni Kobe.
- Latest