Jayda, sinagot ang nepo baby!

Jayda

Nagsalita ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda Avanzado tungkol sa term na ‘nepo baby’ at kung ano ang naging impact nito sa kanya.

Ang nepo baby ay tawag sa mga anak ng celebrity o maimpluwensyang tao.

Base nga sa definition nito ay maco-consider si Jayda na isang nepo baby bilang anak siya nina Jessa at Dingdong.
Nang maging guest siya sa vlog ni Luis Manzano, napag-usapan nila ang tungkol sa pagpasok niya sa industriya ng mga magulang niya at kung paano siya naapektuhan.

Hindi naman daw lahat pero ginagamit daw ang term na nepo baby ng ibang tao para ma-discredit sila.

Naka-relate rin si Luis bilang anak siya nina Ate Vi (Vilma Santos) at Edu Manzano.

Naibahagi rin ni Luis na nababasa niya ito online at nine-nega ito ng ibang tao. Pero para sa kanya raw ay wala naman silang pagkakataong pumili ng pamilya kung saan sila mapapabilang.

Sinang-ayunan ito ni Jayda at sinabing “I totally agree that you can’t choose families, you don’t choose your parents.”

Kino-consider daw niyang blessing ang pagiging nepo baby dahil napunta siya sa pamilyang suportado siya sa ginagawa.

 

Show comments