Miguel Tanfelix, bibida sa ‘Mga Batang Riles’

MANILA, Philippines — Matapos ang kanyang iconic role bilang si Steve Armstrong sa Voltes V: Legacy, magbabalik-teleserye si Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix bilang si Kidlat sa Mga Batang Riles.

Bibida rin sa upcoming drama-action series sina Kokoy De Santos bilang Kulot, Raheel Bhyria bilang Bato, Bruce Roeland bilang Matos, Antonio Vinzon bilang Dagul, at Zephanie bilang Mayumi.

Mapupunta sa juvenile center ang mga bidang lalaki matapos mapagbintangan sa isang krimen na hindi naman nila ginawa. Mapipilitan ang mga batang riles na ipagtanggol ang kanilang sarili habang hinahanap ang tunay na salarin.

Kasama rin sa serye ang mga batikang artista na sina Diana Zubiri, Desiree del Valle, Jay Manalo, at Mr. Ronnie Ricketts. Tampok din dito ang seasoned actress na si Ms. Eva Darren.

Abangan ang Mga Batang Riles, biyaheng GMA Prime soon!

Show comments