Marian, may pasabog

Marian

Sari-saring ispekulasyon ang komento ng followers ni Marian Rivera sa FaceBook nang mag-post ng isang black and white photo na may caption na, “Again, after 10 years…revealing soon.”

Pawang congratulations ang dumagsa sa comments section sa FB ni Yan.

Pero may sumisingit na congratulations sa kanyang third child, huh! At meron naman na weddings vows nila ni Dingdong (Dantes) ang magaganap dahil anniversary nila ngayong July.

Kung anuman ang bagong pasabog ni Marian, abangan na lang natin dahil may magugulantang na naman sa announcement ng Primetime at All Time Box Office Queen!

GMA movies, ipapalabas nang libre

Pinasok na rin ng GMA Pictures ang YouTube dahil meron na itong channel na maglalaman ng movies na gawa nila mula noon hanggang ngayon.

May dalang enjoyment ang madarama sa well-loved films na gawa ng GMA Pictures gaya ng The Road, Mulawin, Just One Summer, My Kontrabida Girl, I will Always Love You at marami pang iba.

Bukod sa nagawang movies, inaasahan pa ang mahigit na 300 na pelikula na magiging available sa GMA Pictures YT Channel.

Kabilang ang Philippine Centennial Offering na Jose Rizal at Muro Ami pati na ang movies na ginawa last 2023 na co-produced with other film companies.

Ngayong August sa Cinemalaya 2024, mapapanood ang produced nilang Balota, ang investigative docu-film na Lost Sabungeros at magkakaroon din ng special screening ang Firefly at digitally restored Jose Rizal.

Show comments