^

Pang Movies

Rio, walang inaatrasang sampalan

S0...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rio, walang inaatrasang sampalan
Ms. Rio Locsin.
STAR/ File

Game na game si Ms. Rio Locsin sa mga mahihirap at madudugong eksena na pinapagawa sa kanya sa action serye na Black Rider.

Kahit na raw senior citizen na siya, hindi raw siya humihinde sa mga eksenang sampalan, suntukan, barilan at pinalangoy pa siya sa isang episode.

“Kaya game ako parati basta alam ko na protektado ako ng staff na napakamaasikaso sa aming lahat,” sey ng veteran actress na sumikat noon sa mga pelikulang Disgrasyada, City After Dark, Waikiki, Kambal sa Uma, Haplos, at Working Girls.

Kristoffer Martin, winner sa aquathlon

Habang wala pang bagong teleserye after Makiling, naging abala ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa kanyang sport na marathon.

Noong nakaraang July 7, nag-first place for the first time ang aktor sa Super Aquathlon na ginanap sa Ayala Vermosa Sports Hub. Competing in the All-star category, nakumpleto niya ang 450-meter swim, followed by a 4-kilometer run.

Beverly Hills actress, 53 lang nang namatay

Pumanaw sa edad na 53 ang Hollywood actress na si Shannen Doherty na kilala bilang si Brenda Walsh sa ‘90s drama series na Beverly Hills 90210 at bilang si Prue Halliwell sa ‘90s fantasy-comedy series na Charmed.

July 13 noong pumanaw ang aktres pagkatapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na breast cancer since 2015.

Born in Memphis, Tennessee, nagsimula bilang child actor si Shannen at una siyang lumabas sa TV series na Little House on the Prairie. Lumabas siya sa mga pelikulang Girls Just Want To Have Fun, Heathers, Mallrats at Jay & Silent Bob Strikes Back. Huli niyang TV appearance ay sa Riverdale.

Tatlong beses ikinasal si Doherty, na ang pinakahuli ay nauwi rin sa divorce noong 2023 sa photographer na si Kurt Iswarienko.

vuukle comment

LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with