MANILA, Philippines — Kasabay ng panawagan para sa pagkapantay-pantay, nakikiisa ang iWantTFC, sa pagdiriwang sa pagtatampok nito ng mga pelikula at serye na bida ang kwento ng komunidad ng LGBTQIA+ na maaaring i-stream nang libre.
Noong 1980s, nagsanib-pwersa sina Nora Aunor at Vilma Santos para sa T-Bird at Ako, isang crime drama tungkol sa isang babaeng abogado na pinagtatanggol ang isang sexy dancer na inakusahan ng homicide, habang pinipigilan ang kanyang nararamdaman para sa kanyang kliyente. Mahalagang kwento ang T-Bird at Ako dahil isa ito sa mga unang pelikula sa bansa na may tema tungkol sa LGBTQIA+.
Isa pang dapat panoorin sa iWantTFC ay ang Mga Batang Poz, isang serye na tungkol sa apat na HIV-positive teenagers na nagsisikap na mamuhay ng normal sa kabila ng stigma na dala ng kanilang kalagayan. Batay ito sa best-selling young adult novel ng Palanca-winning author, Segundo Matias Jr., at pinagbibidahan nina Mark Nuemann, Fino Herrera, Paolo Gumabao, at Awra Briguela.
Para sa mga mahilig sa coming-of-age na mga pelikula, maaari nilang i-stream ang Boyette: Not a Girl Yet, na tungkol naman sa isang freshman sa kolehiyo na mapapabilang sa isang love triangle, habang nagsusumikap para maging isang dancer. Bida rito ang High Street star na si Zaijian Jaranilla kasama sina Maris Racal at Inigo Pascual.
Samantala, tatangkilikin ng mga tagahanga ng genre ng Boy’s Love (BL) ang The Boy Foretold by the Stars, na tampok naman ang nakakaantig na kwento ng dalawang binatilyo (ginampanan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson) na nag-ibigan sa isang school retreat.
Para sa “Girls› Love” (GL), nandiyan ang “Sleep with Me,” isang serye na tumatalakay sa mga interable na queer na tao at kung paano sila namumuhay sa mundong puno ng diskriminasyon. Pinangungunahan ito nina Janine Gutierrez at Lovi Poe.
Ilan din sa mga pwedeng i-stream sa iWantTFC ngayong Pride month ang Changing Partners, 2 Cool 2 Be 4gotten, Fluid, Sila Sila, Ang Henerasyong Sumuko sa Love, My Lock Down Romance, Oh Mando! Hello Stranger, In My Life, Si Chedeng at si Apple, at Ang Dalawang Mrs. Reyes.
Hindi pa rin natatapos ang mga hamon sa komunidad ng LGBTQIA+ sa bansa. Ngunit dahil sa mga pelikula at serye na ibinibida ang kanilang mga natatanging kuwento, nagkakaroon sila ng lakas ng loob na mamuhay ng walang bahid ng takot at kahihiyan.
GL-inspired music video, tampok si Jane De Leon.
Single ni Janella, tungkol sa nabubuong pag-ibig
Umaasa at naghihintay sa pag-ibig ang Kapamilya aktres at singer na si Janella Salvador sa music video ng kanyang bagong single na Hey You.
Muling nakasama ni Janella ang Darna co-star na si Jane De Leon na bumida sa girls’ love-inspired na MV. Umani agad ito ng mahigit 100,000 views sa loob ng isang araw at umarangkada agad sa ika-11 pwesto ng YouTube PH trending list for music.
Inilunsad ni Janella ang music video sa Pride event na LoveLaban2Everyone na naganap sa Quezon City Memorial Circle nitong Sabado (Hunyo 22).
“Sana ma-enjoy niyo yung maliit kong gift na inihanda para sa inyong lahat and especially to the women loving women community who deserves better,” saad ni Janella sa kanyang performance.
Nitong Marso, inilabas ni Janella ang awitin na headtone bilang unang single ng kanyang upcoming album na nakatakdang ilabas ngayong taon.
Maaring pakinggan ang matamis na mensahe ni Janella sa bagong single na Hey You na available sa iba’t ibang streaming platforms at panoorin ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.