^

Pang Movies

Janice, inaapelang maging krimen ang pagtataksil!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janice, inaapelang maging krimen ang pagtataksil!
Janice de Belen
STAR/File

Isa rin pala si Janice de Belen sa celebrities na pabor sa pagkakaroon ng divorce rito sa Pilipinas base na rin sa kanyang tweet kahapon.

Matapang na pahayag ng aktres sa kanyang X (dating Twitter) account, “Kung ayaw nila ng divorce, let’s criminalize infidelity.”

Ang naturang strong statement ay lumikha ng seryosong diskusyon among the netizens at marami ang pumabor sa aktres.

Narito ang ilan sa nabasa naming komento:

“Matagal na pong criminal offense ang infidelity.”

“Meron na po diba? Nalaman ko ito kakanood ko dati ng Tulfo eh pero true pwede mo pakulong ang nag taksil na asawa (note asawa not pwede yung jowa lang).”

“Double standards kasi ang pinas. Hayst. Dapat pa makuhanan mo ng nakapatong or magkapatong bago mo pwede ipakulong. Hayst.”

“Agree.”

“Yes to this.”

“Meron na po — adultery and concubinage under the Revised Penal Code”

“The elements of the existing crime on concubinage is so difficult to prove and goes beyond mere infidelity.”

“Louder.”

“As a guy, this had me researching deep into the paramaters of our laws and it’s unfortunate and appalling how the gender biases are quite evident and how our laws are disproportionately punitive toward women.”

“Lol sa mga nagsasabing meron na. Meron naman na nga talaga pero mababaw. Sa concubinage pa lang eh, need muna ibahay or as if living as husband and wife para lang maconsider as a criminal offense. Pero pag adultery? enough na may paramour ang married woman.”

“Korek! Criminalize kasama dapat yung kabit sa kulungan and change the qualifications ng pwede makasuhan. Pakingshet. Ang tatapang ng mga kabit e.”

Barbie, napi-pressure kay Kathryn!

Honored and flattered si Barbie Forteza na maikumpara kay Kathryn Bernardo dahil idol na idol din daw niya ito.

Sa grand mediacon ng pelikula nila ni David Licauco na That Kind of Love ay natanong si Barbie nape-pressure ba siya na kino-compare siya kay Kathryn.

“Actually, naku, hindi ko alam kung paano ko po sasagutin ‘yan. Kasi aaminin ko, isa rin po si Miss Kathryn Bernardo sa mga taong nilu-look up ko sa showbiz,” ani Barbie.

Papuri niya pa kay Kathryn, “she really handles her career and personal life really, really well. And that is why there’s no doubt kaya maraming brands ang naa-attract niya dahil ganu’n niya talaga dalhin ‘yung sarili niya.”

Kaya nga isang malaking karangalan daw sa kanya na maihalintulad kay Kath.

“To be acknowledged or to be noticed na kahit paano ay parehas is siyempre a very big honor for me.”

Inamin din ni Barbie na wish niyang makatrabaho ang ex-girlfriend ni Daniel Padilla.

“Sana, sana, magkatrabaho kaming dalawa dahil isa rin siya talaga sa mga gusto kong makatrabaho at isa sa ina-admire kong actors of our generation,” sey ng aktres.

Si David naman, matatandaang dati pa niyang sinabi na wish din niyang makasama si Kathryn sa isang proyekto at idol din daw niya ang aktres.

vuukle comment

JANICE DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with