^

Pang Movies

Marian, umaksyon!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naglaan ng oras si Marian Rivera upang paunlakan ang imbitasyon ng Marites University sa pamamagitan ng kasama namin sa show na si Rose Garcia.

Matapos ihatid ang dalawang anak sa school, lumiwanag nang husto ang Scott Media Productions sa pagdating ni Marian.

Maluwag na rin kasi ang schedules ni Yan dahil tapos na ang taping niya ng My Guardian Alien kung saan si Gabby Concepcion ang kasama niya.

“Father figure ko si Kuya Gabby. Kapag nag-uusap kami, family ang madalas naming pag-usapan. Very professional at masaya ring kasama pati co-stars ko,” sabi ni Yan kay Gabby.

After MGA, rest muna si Marian sa paggawa ng series. Natapos na rin niya ang Cinemalaya movie niyang Balota.

“May prosthetics ako riyan. Nilalagyan ako ng eye bag. Pero walang makeup,” saad ni Yan.

Isa siyang teacher sa movie.

“Very raw siya. Bukod sa makeup at dobol, nung binasa ko ang script, sabi ko, ang ganda ng aral na mapupulot ang manonood.

“Ang ganda ng kuwento. Bago ko ito tanggapin, nag-one-on-one kami ni direk Kip. Saan nanggaling ang kuwento na ito, bakit mo naisulat ito. Bakit ako ang napili mong gumawa nito.

“Dun pa lang sa may sagot niya, nasagot niya nang tama. Wala akong dahilan para mag-say no,” kuwento niya.

Ayaw mang sabihin ni Yan kung ano ang napag-usapan nila ng director, nabanggit nitong, “Sabi niya, parang hindi kasi puwede ‘yung teacher na mahinhin, hindi palaban pero gusto ng tao!

“So marami akong fight scenes dito. Kung umaarte ka lang, makikita sa screen ‘yon. So parang gusto n’ya, fierce talaga! Fight kung fight talaga.

“May anak ako riyan. Parang talandi ako riyan! Hahaha!” diin ni Marian.

Abangan ninyo si Marian sa exclusive interview namin sa Primetime Queen sa Marites University na mapapanood next week.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with