Kim, walang pinoproblema

Kim Chiu at Glenda dela Cruz

“‘Pag masaya ka sa buhay mo magrereflect din ‘yan sa mukha mo na maaliwalas, mukhang masaya ka, mukhang maganda ka kasi ‘di mo pinoproblema ‘yong problemang ‘di mo kailangang problemahin. So just live in the moment, mabuhay ka lang. Gawin mo lang ano magpapasaya sa ‘yo and kung ano ‘yong magpapaganda sa ‘yo,” bahagi ni Kim Chiu sa ginanap na malaking launch ng Brilliant Skin Essentials ni Ms. Glenda dela Cruz na nanalo ng international award sa Indonesia kahapon, para sa Hello! Melo Drink na si Kim nga ang endorser.

Kita naman talaga kay Kim na masaya siya lalo na nung mag-skydiving siya sa Dubai. Parang wala siyang inaalala.

Obvious na unbothered siya sa mga lumalabas na naganap sa kanilang breakup ni Xian Lim.

Anyway, hindi naman nakaligtas sa kanyang followers ang poging ka-tandem niya sa skydiving. Grabe pati ‘yun. Haha.

Anyway, wagi nga si Ms. Glenda ng Inspiring Women Excellence Awards 2024  na ginanap sa Indonesia kahapon. Ang parangal ay bilang pagdiriwang at pagkilala sa mga tagumpay at innovation na ginawa ng mga matagumpay na babaeng negosyante kabilang na si Ms. Glenda.

Bongga.

Show comments