^

Pang Movies

Aprub ng BF... Beauty Queen, nakipagtikiman sa foreign singer!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Umiral ang kalandian ng isang beauty queen na may international title rin nang dumating sa bansa ang isang foreign group na may hit songs para mag-concert.

Eh bet na bet ng beauty queen ang male vocalist dahil guwapo at malakas ang dating.

Sinabi ni beauty queen ang pagkagusto niya sa foreign singer sa kanyang boyfriend at type niyang maka-date habang nandito.

Nagwagi naman ang beauty queen upang makilala at maka-date ang singer. So nung manood siya ng concert, after ng concert, sila ng singer ang magkasama hanggang sa private room ng singer, huh!

Yes, nagkatikiman ang beauty queen at singer kahit alam ng boyfriend niya dahil one night stand lang ang nangyari, huh!

Alfred, naghamon sa bintang na bayad ang kanyang award!

Nagbigay ng thanksgiving presscon si Konsehal Alfred Vargas para sa panalo niya bilang best actor ng sa nakaraang Famas para sa pelikula niyang Pieta.

Tinanong namin si Alfred kung ano ang naging reaksyon niya nang ka-tie si Piolo Pascual. “Honored ako dahil magaling siyang aktor. Nag-grand slam na rin,” sagot ni Alfred.

Eh nang manalo siya, may naglabas ng pangit na balita. May tsismis na umano ay nagbayad siya. Deklarasyon ni Alfred, “Hindi ako nagbayad!”

“Panoorin nila ang Pieta para malaman,” dagdag niya at sinabing hindi muna ipalalabas sa sinehan ang movie dahil ang block screening nito ang kanyang inaasikaso.

“Sumama man ang loob ko nang hindi ito matanggap nung festival, kailangan ko pa ring ipakita sa publiko kung gaano kaganda ang pelikula naming nina Ate Guy (Nora Aunor), Gina Alajar at ni Jane (Jaclyn Jose) na last movie niya,” dagdag ni Konsehal Alfred na patuloy pa ring gagawa ng makabuluhang movies!

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with