^

Pang Movies

Direk Carlo J. Caparas, pumanaw na rin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Direk Carlo J. Caparas, pumanaw na rin
Carlo J. Caparas
STAR/File

Ngayong araw na ito magsisimula ang burol ni direk Carlo Caparas, pumanaw siya sa edad na 80 noong Sabado ng hapon. Ang burol ay magsisimula ngayong tanghali hanggang hatinggabi sa Golden Haven Memorial Chapels and Crematorium Villar Sipag C5 extention Road Barangay Manuyo Dos, Las Piñas. Siya ay nakahimlay sa Consevatorio II Chapel.

Iyan lamang ang ginawang announcement ng anak niyang babaeng si Peach wala pang sinabi kung kailan ang libing o kung ano ang naging dahilan ng kanyang kamatayan. Pero may sources na nagsasabing masyado raw tumaba si direk Carlo at nagkaroon ng marami nang sakit. Wala kasing nakakaalam noon kung nasaan siya, simula nang magpasya siyang mag-retire matapos na yumao na rin ang kanyang asawang si Donna Villa.

Si Direk Carlo ay nahalo sa controversial na deklarasyon ng national artists nang ang pangalan niya ay dinagdag ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa hanay ng national artists wala man siya sa nomination ng CCP at NCCA, at sa kontrobersiyal ding desisyon ng Korte Suprema, binalewala ang proklamasyon ni Gloria at sinabing ang pangulo ng Pilipinas ay maaaring mag-reject pero hindi maaaring magdagdag sa hanay ng national artists na hindi nominated ng joint panel ng CCP at NCCA ayon sa batas.

Ganoon pa man para sa maraming mga tao sa industriya si direk Carlo ay nanatiling isang national artist.

Marami na rin namang parangal na iginawad kay direk Carlo, hindi lamang ang mga award-giving bodies, maging ang pamahalaang local ng Pasig noon pa ay nagtalaga ng isang kalyeng ipinangalan sa kanya.

Malaki ang kontribusyong nagawa ni direk Carlo hindi lamang sa industriya ng pelikula kundi ganoon din sa industriya ng komiks sa ating bansa, at ano man ang sabihin ng kanyang mga kalaban, hindi maitatanggi na siya ay isang artist.

Heart, magiging abala sa samahan ng mga misis ng Senador!

Nakahanda na ba si Heart Evangelista na pamunuan ang Senate Spouses Group. Iyan ang samahan ng mga asawa ng mga senador na may nabuo na ring isang foundation na naghahandog na tulong sa mga nangangailangan lalo na ang mga may sakit at kung may kalamidad. Ang asawa ng senate president ang siyang namumuno ng samahang iyan, kaya dapat mag-take over na rin si Heart.

Marami na rin namang nagawang charity works si Heart. May panahong nagbenta siya ng kanyang mga ginawang artworks na ang napagbentahan ay itinulong sa mga estudyanteng karapat-dapat at mga may sakit. Noong panahon ng pandemya, isa siya sa kumilos para mabigyan ng tulong ang frontliners na pagod at inaabot na ng gutom sa kanilang trabaho.

Sanay na rin naman siya sa pagtulong sa mga emergency relief operations dahil nakatulong na rin siya sa maraming kalamidad na naganap, kaya siguro nga ngayong siya ang mamumuno sa Senate Spouses mas mapalalawak pa nila ang kanilang pagpapaabot ng tulong.

Goma, napuri ng mga pari!

Aba nakakatuwa naman dahil noong araw ng Linggo, kung kailan marami naman ang nagsimba dahil ipinagdiwang ang kapistahan ng Santisima Trinidad, naging laman ng mga sermon ng ilang pari si Goma o Rep. Richard Gomez na pinupuri nila dahil sa kanyang matatag na paninindigan laban sa divorce.

Naging halimbawa ang pagiging isa ng tatlong persona sa iisang Diyos, ng mga pinagbuklod ng kasal na sinasabi nga nilang hindi mapaghihiwalay nino man.

Iyon din naman ang paninindigan ni Goma, bilang isang Katoliko, tinutulan niya ang panukalang batas sa divorce at ipinaliwanag na maaaring mas maging malubha ang sitwasyon at maaaring magkaroon ng abuso kung papayagan iyon.

Marami na rin naman tayong narinig na hindi magandang bunga ng divorce at kung pag-aaralang mabuti mas marami nga ang napasama kaysa sa napabuti pagkatapos ng divorce maski na sa US kung saan may inilabas na silang datos.

Gaya nga ng sinabi namin pabor din kami sa paninindigan ni Goma.

vuukle comment

CARLO CAPARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with