Gary at Cheska, hindi nasira ang relasyon

Gary Estrada at si Cheska Diaz

Kahit hindi raw sila nagkatuluyan, nanatiling kaibigan ni Gary Estrada ang kanyang ex-girlfriend na si Cheska Diaz na ina ng kanyang panganay na anak na si Kiko Estrada.

Sinabi ni Gary na mayroon silang co-parenting setup ni Cheska with Kiko. Kahit tatlong dekada na ang lumipas, maayos ang arrangement nila kay Kiko.

“Magkaibigan kami ni Cheska. Definitely it ended well,” ayon kay Gary.

Naging misis niya ang aktres na si Bernadette Allyson at mayroon silang tatlong anak na babae na sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice, at Gianna Bettina.

Ayon sa 53-year-old actor, hindi raw siya stage father. Kahit na aktibo sa showbiz si Kiko at pinasok na ng daughters niya ang modeling at singing, hindi raw siya nakikialam sa mga gusto ng kanyang mga anak.

Kamakailan lang, pumirma si Gary ng kontrata with Sparkle GMA Artist Center.

Pagkamatay ni Matthew Perry, hahalukayin

Muling binuksan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng Friends star na si Matthew Perry.

October 2023 pumanaw si Perry dahil sa paggamit nito ng prescription drug na ketamine. Gusto malaman ng Los Angeles Police Department kung paano nakuha ng aktor ang naturang droga.

Sa naging toxicology report from the Los Angeles County Medical Exa­miner’s Office, Perry died from “the acute effects of ketamine,” which caused cardiovascular overstimulation and respiratory depression.

Ginagamit ang ketamine for depression, pain management, and for recreational purposes.

Bukod sa ketamine, natagpuan din sa system ng Friends actor ang traces of methamphetamine, cocaine, heroin, PCP, or fentanyl.

Na-diagnose rin si Perry with COPD/emphysema and diabetes.

Show comments