Kahit walang pelikula... Kylie, suki na sa Cannes Filmfest!

Kylie

Ang bongga naman ng Miss International 2016 na si Kylie Verzosa na agaw-eksena sa Cannes Film Festival.

Rumampa nga ang aktres sa red carpet sa 77th Cannes Film Festival para sa Kinds of Kindness screening na ginanap sa Cannes, France.

Nakuhanan ang ex ni Jake Cuenca na rumarampa suot ang kanyang Sophie Couture ball gown na pinost din ng mga international media outlet.

Ibinahagi rin niya ang mga litrato niya na may caption na “In a fairytale” na swak sa kanya na para siyang prinsesa sa isang fairytale sa kanyang mga suot na bonggang gown.  Hindi siya nagpakabog sa mga dumalo ring celebrities.

Bukod doon ay present din siya sa opening night ng event para naman sa French film na Le Deuxièmie Act kung saan iba rin ang suot niya na gown na isang mermaid gown in black French lace na gawa ni Mark Bumgarner.

 Hindi naman ito ang unang beses na rumampa siya sa Cannes Filmfest dahil dumalo rin siya nakaraang taon.

Show comments