Michelle Dee, kinuha ng Red Cross

Michelle Dee

Bago ipasa ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang kanyang korona, naging bagong ambassador siya ng Philippine Red Cross.

Ikinatuwa ito ni Michelle dahil nadagdagan ang mga taong matutulungan niya.

Bago dumating ang Philippine Red Cross, advocacy ni Dee ang autism awareness dahil dalawa sa kapatid niya sa inang si Melanie Marquez ay may autism spectrum.

Dumalo nga si Michelle kamakailan sa annual Angels Walk for Autism organized by the Autism Society Philippines.

At bilang openly bisexual woman, full support din siy sa LGBTQIA+ community tulad ng annual na Miss Universe Pride Month celebrations na organized ng American Embassy and LoveYourselfPH.

Sa gitna ng kanyang pagiging busy bilang beauty queen, nagagawa pa rin niyang magkaroon ng time para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Former One Direction member, may isyu ng catfishing

Twice na raw pinapatalsik sa isang dating app ang former One Direction member na si Zayn Malik dahil inaakusahan siya ng “catfishing” o paggamit ng larawan ng ibang tao para sa kanyang profile.

“Everyone accused me of catfishing. They’re like, ‘What are you using Zayn Malik’s pictures for?’” paliwanag ni Zayn.

Huling nakarelasyon ni Zayn ay ang supermodel na si Gigi Hadid, at mayroon silang tatlong taong gulang na anak na si Khai.

Dine-date ngayon si Gigi ng aktor na si Bradley Cooper at huli silang nakita na nanood ng The Eras Tour sa Paris.

Show comments