Ikinalungkot at ikinadismaya ni Bela Padilla ang kanyang nasaksihan habang nakasakay sa train sa London.
Sa kanyang Instagram Story ngayong araw ay ikinuwento ng aktres ang kanyang nakita matapos niyang ihatid ang Swiss boyfriend na si Norman Bay sa airport.
“Took Norman to the airport yesterday. . .so it was my first time back on the tube after 3 months. . .” simulang kwento ng aktres.
Pagpasok daw niya ay nakita niyang may nakaiwan ng backpack pero may dalawang babaeng pinakialaman ito at kinuha ang mga pagkaing laman.
“When I entered, someone had left their red backpack. These 2 girls decided to open it and check it out. They took the food inside and other (I’m assuming valuable) things, and threw the backpack on the floor.
“They opened that Tupperware that had sandwiches inside and started laughing really loudly,” tsika ni Bela.
Nag-alala raw siya sa taong nakaiwan ng bag dahil baka raw nagutom ito sa biyahe at nalungkot din siya para sa nag-effort na mag-pack ng food.
“All I could think of was. . .whoever left their bag in Heathrow Terminal will be hungry in his journey. Also the amount of time and effort of whoever packed the snacks are now wasted,” she wrote.
Gusto raw niyang pagsabihan ang dalawang babae pero natakot din daw siya.
“I felt bad on my walk home. I wanted to stand up and tell them to stop messing with the bag... but for some reason, I was really nervous and scared,” aniya.
“And so I realized, I’m back in London where no one cares to report these things and no one will intrude when we see bad behaviour,” sey pa ni Bela.
Kalakip ng kwento ng aktres ay ang video footages sa train na sinakyan at makikita rito ang backpack na nakalagay sa sahig.
Niño, pinagkakitaan ang best actor trophy
Ibenenta ng dating child actor na si Niño Muhlach ang Best Actor trophy niya mula sa FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) sa collector at content creator na si Boss Toyo sa halagang P500,000.
Mapapanood sa vlog ni Boss Toyo ang naganap na bentahan. Nakasaad sa titulo na napilitan daw si Niño na ibenta ang kanyang FAMAS award.
Ibinenta ng dating Child Wonder of the Philippines ang Best Child Actor trophy niya na natanggap mula sa FAMAS noong 1977.
Ayon kay Boss Toyo ay siya mismo ang nag-reach out kay Onin dahil interesado siya talagang bilhin ang FAMAS trophy nito.
“I tried to contact Sir Niño. Ako ‘yung nag-contact sa kanya. ‘Sir, ‘ sabi ko, ‘baka can I take a glimpse of your mga artifacts and memorabilias’ and baka mabili ko ‘yung isa niyang FAMAS, ‘could you bring one?’” kwento ng collector.
“Hindi siya pumunta talaga dito para ibenta ito at ako ‘yung nag-request. Kasi sabi ko nga kung mayroon akong gustong makuhang FAMAS (best) child actor is kay idol Niño,” dagdag niya.
Sey naman ni Onin, “siya ang tumawag sa akin at nag-inquire nga tungkol sa trophy, gusto niya raw magkaroon ng FAMAS. Eh since lima naman ang FAMAS awards ko, ‘yun nga, I decided to give it to him.
“Pero may deal. Kailangan, alagaan niya at i-restore na parang bago at ilagay du’n sa museum niya. Kasi, hindi ko naaalagaan, eh.”
Noong una ay P100K ang prinesyo ni Boss Toyo sa tropeo but later, nag-decide siyang bayaran ito ng P500K.