^

Pang Movies

PTV 4 at IBC 13, natameme kay Willie!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tahimik lang ang executives ng PTV 4 at IBC 13 tungkol sa pagsisimula ng show ni Willie Revillame sa TV5.

Noong nakaraang taon ipinagmamalaki nilang sa kanilang istasyon ibabalik ang show ni Willie, at malakas ang kanilang projection na kung magagawa iyon maaagaw nila sa TV5 ang pagiging number two station sa kasalukuyan. May banta pa nga silang mga isang taon lamang maaari na nilang lampasan ang GMA 7 bilang pangunahing network sa ngayon.

Kaso dahil sa kakulangan ng budget at sa kakulangan din ng facilities at equipment hindi natuloy ang lahat nang iyon, nanatili ang show ni Willie sa internet streaming hanggang sa pabalikin na nga siya ulit ng TV5.

So abangan, kung makakatulong si Willie sa TV5.

Kathryn, pini-pressure ng fans

Marami pa rin ang umaasa at nananalangin na sana magkabalikan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Maski ang tatay ni Daniel na si Rommel Padilla ay nagsasabing dinadalangin niyang magkabalikan ang dalawa.

Una kasi alam naman nilang isang malinis na babae si Kathryn at wala itong kasalanan sa hiwalayan. Umamin naman si Daniel na siya nga ang gumawa ng mali.

Sa ngayon ay malabo na ngang magkabalikan pa ang dalawa.

At sinasabi naman kahit na ng fans na tanga si Kathryn kung makikipagbalikan pa siya. Tama rin in a way ang sinabi ni Daniel na marami ang nagsulsol kay Kathryn na iwanan siya. Kasi matindi naman ang ginawa niya eh.

Hindi maikakailang apektado pati ang status ng career ni Daniel matapos ang split nila ni Kathryn, pero sino ngayon ang sisisihin niya?

Billy, aburido ang hitsura!

“Ang payat na ni Billy. Ano ang nangyayari sa kanya,” comment ng netizens sa nakita nilang hitsura sa ngayon ni Billy Crawford.

Payat ang mukha at parang aburido sa buhay.

Pero sabi ng misis niya siguro raw ay dahil talagang pagod lang siya.

May mga ginagawa siyang project sa France kaya madalas siyang wala. Itong taong ito nga raw, marami pa siyang kailangang tapusing trabaho at events sa France kaya malamang na doon muna siya manatili. Eh kasi doon naman siya sumikat talaga noong araw eh.

Nang mawala siya sa bansa pagkatapos ng That’s Entertainment sumikat siya nang husto sa Europe, at nakipaglaban sa top performers doon. Nang magbalik naman siya sa Pilipinas pinilit rin siyang mas paangatin ng dati niyang manager sa local scene at agad silang gumawa ng concert noon sa Araneta Coliseum, isa pa sa namuhunan noon si Kuya Germs (German Moreno), ok naman ang concert bagama’t hindi mo nga masasabing isang napakalaking hit.

Tapos napunta siya sa ABS-CBN at naiba ang diskarte sa kanyang career.

Aminin nating lumamig nga ang career ni Billy nang magtagal siya sa Pilipinas.

Ngayon may pamilya na siyang kailangang intindihin.

Kung ganoon pang hindi kagandahan ang takbo ng career mo, puwede ka nga bang hindi mag-aburido? Pero sana makabawi naman si Billy. Sayang eh.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with