^

Pang Movies

Olivia Rodrigo, bibisita sa ‘Pinas!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matutuwa ang Pinoy fans ni Olivia Rodrigo dahil kasama sa kanyang GUTS World Tour ang Pilipinas.

Sa Instagram ng 21-year-old Fil-American singer, pinost nito ang dates ng kanyang shows sa Asia and Australia starting sa September.

Sa poster ay nakalagay ang “Stay tuned, Manila!”

Kasama sa kanyang pupuntahan ang Bangkok, Seoul, Hong Kong, Tokyo at Singapore.

“Asia and Australia dates just announced!!! Hope to see ya there,” caption niya.

Kasalukuyang nasa Europe leg ng kanyang tour ang Grammy Award-winning singer.

Sumikat noong 2021 si Olivia dahil sa hit album niya na SOUR, kunsaan naging hit singles ang Driver’s License, Deja Vu, at Traitor.

Latest album niya ay GUTS na ang first single ay Vampire.

Suzi, 23 years na ang kasal kay Paolo

Nag-celebrate ng kanilang 23rd wedding anniversary ang Unang Hirit host na si Suzi Entrata at ang mister niyang si Paolo Abrera.

Kinasal sila noong May 6, 2001 sa Colegio San Agustin Chapel in Makati City.

Sa Instagram ni Suzi, pinost nito ang ilang throwback photos nila at sa caption ay nilagay niya ay “23 years married (4 years dating before that) and far from being done loving you. Happy anniversary to my crush who is still, after all these years, my crush”

Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae na sina Leona, Jade, and Antonella.

Nagkakilala sina Suzi at Paolo noong pareho silang naging host ng GMA-Probe sports show na Game Plan noong 1996 kasama si Paolo Bediones.

Si Paolo ay pinasok din ang showbiz noong gawin niya ang Sabado Nights TV commercial with Ina Raymundo. Ginawa niya ang mga pelikulang Sabado Nights: The Movie (1995) at Radio Romance (1996).

vuukle comment

OLIVIA RODRIGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with