^

Pang Movies

David, nanibago na nakakatulog na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nag-sorry na uli si David Licauco sa fans na nasungitan niya noong mga nakaraang araw dahil nga kulang siya sa tulog dahil sa sakit niyang sleep apnea.

Kasama sa pagso-sorry niya ang fans na nakipag-picture taking sa kanya at kita talaga na hindi siya ngumiti, pero ang fans, todo ngiti.

Dumaan na siya sa Radiofrequence Ablation (RFA) at naging successful ang procedure na ginawa noong May 6. After that, ibinalita niya na nag-improve na ang kanyang pakiramdam, nakakatulog at nagbago na rin ang kanyang mood.

Sa umaga raw siya laging wala sa mood dahil hindi makatulog at hirap siyang huminga. “Pagkagising ko, hirap akong huminga, it takes a while for me to warm up. But today, parang sabi ko, wow, ito pala ‘yung pakiramdam ng maayos na tulog,” sabi pa ng Kapuso actor.

Aminado siya na in the past, apektado ang pakikitungo niya sa mga tao dahil bad mood nga siya. Nabanggit dati ni Barbie Forteza na tinatantiya pa niya kung lalapitan at kakausapin kapag nasa set sila dahil nakikitang wala ito sa mood, plus, madalas late sa kanilang taping.

Ngayon, mag-iiba na ang lahat, hindi na siya male-late sa taping ng Pulang Araw at sa iba pa niyang mga ganap kasama ang mga lakad nila ni Barbie.

“Pasensya na kung minsan mukha akong wala sa mood, but I’m getting there, I’m getting better, and I’m improving,” dagdag pa niya.

“Pain control technique” at nonsurgical ang procedure na ginawa sa kanya o ang RFA at ginamitan ng Radiofrequency waves.  

May isa pang procedure na gagawin sa kanya para naman sa kanyang throat and after this, magiging maayos na talaga ang kanyang paghinga at pagtulog.

Ruru at Bianca, nag-flex ng muscles!

Parehong physically fit ang magdyowang Ruru Madrid at Bianca Umali na flinex ang kanilang abs na kinainggitan ng kanilang fans at followers sa Instagram. Lalo na si Ruru, pumuputok ang muscles, kaya sabi ng fans, bagay na bagay siyang maging action star.

Hindi nagpahuli si Bianca na kina-career din ang pagwu-workout hindi lang para sabayan siya, kundi para sa serye na Sang’gre.

Napa-“wow!” na lang ang fans at followers ni Ruru sa puro muscles na ipinakita nila.

Swak din ang caption niya sa post na “Forever stronger together.”

Si Bianca, grabe rin ang training at nagbubuhat din siya ng gaya ng binubuhat ni Hidilyn Diaz sa weightlifting, kaya naman, lumabas ang muscles niya sa braso.

Anyway, simula May 13, sabay nang mapapanood ang Black Rider ni Ruru sa GMA 7 at GTV at 8 p.m.

vuukle comment

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with