^

Pang Movies

David, sinagot ang pagsusuplado sa fans!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sinasabing may BarDa fans daw, ibig sabihin fans nina Barbie Forteza at David Licauco, na secretly gustong magkahiwalay na nang tuluyan ang tunay na mag-syotang sina Barbie at Jak Roberto.

Bakit naman ganoon alam naman nilang pinilit lang na gawing love team sina Barbie at David dahil palagay ng network kinagat sila sa seryeng Maria Clara at Ibarra.

Unfair na nga ang ginawa nilang iyon, na iyong mag-syota hindi maaaring magkadikit. Tapos sasabihin pa nila sana tuluyan nang iwanan ni Barbie si Jak?

Bakit pa nga ba kailangang pakialaman ng fans ang personal na buhay ng mga artista?

Samantala, nag-trending naman kamakailan ang isang video ni David kung saan sinasabing sinupladuhan niya ang kanyang fan at dahil kita raw ang pagi­ging ‘uncomfortable’ niya sa pagpapa-picture nito.

Pero nagpaliwanag si David at sinabing may sakit siya noon at 1 a.m. na kaya humingi siya ng tawad at babawi raw siya next time.

Hati ang naging reaksyon ng fans dahil may mga nagsabing sana raw ay sinabi na lang nito sa fan kesa naging ganoon ang reaksyon pero mas marami ang nagsabi na tao rin ang mga artista at napapagod din lalo na at madaling araw na noong mangyari ‘yon.

Maaari ngang may koneksyon din ito sa kanyang sleep apnea na isang disorder na kanyang ipapaopera at sinabing hirap na hirap na siya sa kalagayan.

Kaya hirit ng ibang netizens ay intindihin din minsan ang mga artista dahil napapagod din sila.

Vice, bitbit sa TV ang comedy bar

Sinasabi nga nilang patuloy sa pamamayagpag ang programa ni Jessica Soho, ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ang taas talaga ng ratings at sa palagay namin hindi kayang tapatan iyan ni Vice Ganda hindi ba noong araw hindi makalusot ang programa niyang Gandang Gabi Vice sa show ni Jessica, kaya nga siguro napag-initan niya iyong paglaruan sa concert niya eh.

Katunayan dinadala niya ang comedy bars sa national television. Iyong mga biruan nilang pisikal sa It’s Showtime hindi maganda iyon sa TV pero iyon ang style nila eh parang sa comedy bars lang.

Kung sa bagay ano nga ba ang pakialam natin kung magsabunutan man sila. Nasa inyo na iyon kung manonood kayo sa kanila. Kung ayaw ninyo ng ganoong mga klase ng biruan, madali lang lumipat ng channel.

vuukle comment

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with