^

Pang Movies

Liza, game pa ring ‘pabuntis’ kay Ice

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa stage play na pinagsasamahan nina Ice Seguerra at Liza Diño, na mapapanood sa Hunyo, muling nabuhay ang usapin tungkol sa plano nilang pagbubuntis.

Matagal na ngang plano ng dalawa ang magkaroon ng anak via in-vitro fertilization, at ang mga itlog nga ni Ice ang gagamitin, habang si Liza naman ang magbubuntis, o magdadala ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Pero biglang-bigla, parang nawala na ang usapan na `yon. Parang nakalimutan na nila ang plano na magkaroon ng sariling anak.

So, goodbye na ba sa mga plano nila ang pagkakaroon ng baby? “Dati kasi, kaya posible siya, naiisip naming gawin, kasi puwede naming gawin dito sa Philippines. So, hindi ko kailangang umalis o magpunta sa ibang bansa.

“Pero dahil nga celebrity raw kami, and talagang sa world ng ano, unethical siya, parang ayaw na nilang gawin sa amin, kasi baka ma-publicize siya, kapag ginawa nila ‘yung procedure na ‘yon sa amin.

“Kasi only married couples, o mga babaeng hindi puwedeng magkaroon ng anak, ang puwede. Not even single mom, hindi ka puwede dito, so kailangan mong pumunta ng Malaysia, o ibang bansa.

“So, imagine mo, kapag pumunta ako ng ibang bansa, ilang buwan akong aabutin. Eh, noong FDCP (Film Development Council of the Philippines), ni hindi nga ako makaalis ng ilang araw sa Pilipinas,” sabi ni Liza.

So, wala nang plano pang ituloy ang ‘pagbubuntis’ nila ni Ice?

“Akala ko, okey na, kasi nga, parang 42 na rin naman ako, ‘di ba? Teka, sabi ko kay Ice, 33 ako forever. But, dahil nga prinoproseso namin ang play na ito, lumabas na nandun pa rin pala sa kanya.

“Iniisip niya pa rin ‘yon. Nandoon pa rin ang egss niya.

“Sabi ko sa kanya, ‘bakit hindi mo sinasabi’? Sabi niya, ‘eh kasi, hindi mo rin binabanggit eh.’

“So, itong play na ito, will allow us to explore ‘yung mga ganung pinagdadaanan ng mga couples.

“Pero for now, sabi ko sa kanya, I’m open. May mga nagsasabi naman sa akin na puwede hanggang 45.

“Pero ‘yun nga, after muna ng mga gagawin namin trabaho, kasi ito ngang company namin (Fire & Ice), sobrang laki ng investments.

“Kailangan naming gawin ang mga concerts. But we will make time, sana, in the future,” kuwento ni Liza.

Sa May 10 and 11 nga pala ay may concert si Ice, ang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum.

Ang bongga nito dahil lahat ng paborito, o mga sikat na kanta sa videoke ay ipaparinig ni Ice sa fans niya. Imagine, as of today, more than 50 songs na ang pinag-aaralan nila, para kapag may nag-request sa concert ng mga paborito nilang kanta, sure na kayang-kaya niyang awitin.

At ang mga siguradong kanta na aral na aral ni Ice, at nanalo sa pa-survey nila sa Facebook, Instagram, ay ang Torete, pati na Build Me Up Buttercup at isama mo pa ang mga paboritong songs na You’re Still The One at I Love You Goodbye.

vuukle comment

ICE SEGUERRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with