^

Pang Movies

Michelle, ninega ang pag-refollow sa abogadong Cebuano!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Michelle, ninega ang pag-refollow sa abogadong Cebuano!
Michelle Dee

Nakakatawa ang netizens, inis kina Michelle Dee at Atty. Oliver Moeller dahil pareho raw papansin at clout chaser. Pero, ang mga naiinis sa dalawa ang nauna ‘pag nakapansin na pina-follow na uli ni Michelle si Oliver at baka ang kasunod nito, mag-date uli sila and this time, hindi na dahil sa It’s Showtime kundi dahil gusto nilang magkita uli at makapag-usap.

Ang dami naming nababasang nega comments patungkol kay Michelle ngayon, parang napalitan ang pagkagusto sa kanya noong panahon ng Miss Universe. May mga nag-comment kasi na noon, gusto nila ang beauty queen, ngayon daw ay hindi na dahil may mga napansin daw sila rito na hindi nila nagustuhan.

Anyway, ang netizens ang naglatag ng narrative sa pag-a-unfollow at pag-refollow ni Michelle kay Oliver. Nasaktan daw ito na na-link si Oliver kay Kim Chiu gayung siya ang makaka-date ni Oliver. Saka, sina Kim at Oliver daw ang mas pinag-usapan after ng It’s Showtime sa halip na silang dalawa.

May mga nanghinayang na hindi nagkita sina Michelle at Kim nang muling mag-guest si Michelle sa IS. Absent si Kim that day dahil nasa Siargao para sa kasal ng BFF niyang si Angelica Panganiban kay Gregg Homan. Pero, kung tama ang viewers na si Michelle ang tina-target na maging co-host mula sa GMA side ng IS, magiging madalas ang pagkikita nilang dalawa.

Mas maganda nga kung mag-guest din si Oliver habang guest co-host siya para magkita-kita silang tatlo. Aabangan daw ng viewers kung sino ang magiging awkward sa tatlo at kung kanino sa kanila ang mas tutuksuhin si Oliver.

Dominic, minamadali sa pag-move on kay Bea!

May lungkot feels ang isa sa latest post ni Dominic Roque ng sunset at kahit short ang caption na “Dapit hapon,” nalungkot pa rin ang mga nakabasa. Kaya ang mga comment, may halong lungkot din na kung nabasa niya, siguradong makakaramdam din siya ng lungkot.

May mga nagpaalala rin sa kanya na mahal nila ito at maraming nagmamahal sa kanya, pero panahon na raw para mag-move on siya. Ang una raw niyang gawin ay ang i-delete ang photos ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram.

Hindi pa kasi niya dine-delete ang photos nila sa IG at siguro, kapag nalulungkot, binabalik-balikan niyang tingnan at masaya na siya. Kesa apurahin siya na mag-move on, dapat bigyan siya ng time na kalimutan na ito at kapag dumating ang araw na ‘yun, maluwag na sa dibdib niya na i-delete ang photos ng ex sa kanyang IG account.

Tom, bumabawi!

Unang nabalitang may gagawing action series sa GMA 7 si Tom Rodriguez at sa last quarter daw ng 2024 ang target ng GMA 7 na ipalabas ito. Ang tsika pa sa amin, nagka-casting na para sa comeback series niya.

Ang latest na balita, isa sa makakasama niya sa gagawing action series ay si Miguel Tanfelix. If ever matuloy, unang pagsasama ito ng dalawang Kapuso actors at kung action series nga ito, at least, may experience ng konti si Miguel dahil sa Voltes V: Legacy.

Hindi pa kumpleto ang cast ng action series nila at hindi pa in-announce ang title. Ang nabasa naming title ay parang hindi pang-action series, mas bagay sa romcom series, kaya hindi muna namin isinulat.

Na-announce na rin ang gagawing pelikula ni Tom kasama sina JC de Vera at Rhian Ramos at may isa pa siyang film project na hindi pa naa-announce. Balik na balik na nga sa showbiz si Tom sa gagawing sunud-sunod na project.

Kaya, abangan na lang ang mga project niya na bumabawi sa mga nawala sa kanyang buhay at sa kanyang career.

 

vuukle comment

MICHELLE D

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with