^

Pang Movies

Andres, full blast sa showbiz

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Andres, full blast sa showbiz
Andres

Ang 22-year-old twin brother ni Atasha Muhlach na si Andres Muhlach ang pinakabagong lumagda ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) kung saan din kabilang si Atasha na unang nag-sign up with the same talent management company.

Tulad ng kanyang kakambal, papasok na rin sa showbiz ang binata ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach na si Andres.

Pinangatawan ng celebrity couple na sina Aga at Charlene ang kanilang promise na papasukin lamang ng kanilang kambal na anak ang mundong kanilang ginagalawan kung tatapusin muna nila ang kanilang pag-aaral in college na tinupad naman ng dalawa.

Si Atasha ay nagtapos in London habang sa Spain naman si Andres.

Hindi naman kataka-taka ang kanilang pagpasok sa showbiz dahil na rin sa kanilang family ancestry na sinimulan ng kanilang grandmother, ang yumaong movie queen na si Amalia Fuentes.

Kung naging matinee idol ang ama nina Atasha at Andres na si Aga, hindi malayong mangyari rin ito kay Andres.

Welcome to showbiz, Andres!

Jolina, balik-teleserye

Masayang ibinalita ng 45-year-old singer, actress at TV host na si Jolina Magdangal na may sisimulan umano siyang bagong teleserye na ipu-produce ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN.

Taong 2015 pa ang huling teleseryeng ginawa ni Jolina reuniting her with her erstwhile na ka-loveteam na si Marvin Agustin na isa ngayong successful restaurateur at businessman sa pamamagitan ng Flordeliza na ginampanan ng child stars na sina Ashley Sarmiento at Rhed Bustamante. Kaya excited na siya sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng TV series.

Although hindi pa binabahagi ni Jolina ang titulo ng kanyang bagong serye at kung sinu-sino ang kanyang makakasama, ngayon pa lamang ay super excited na siya sa pagsisimula ng taping.

Walong taon na rin sa ere ang kanyang daily morning show on ABS-CBN, ang Magandang Buhay na kanilang sinimulan in 2016 kasama sina Karla Estrada at Melai Cantiveros. Ngayon ay si Regine Velasquez na ang kanilang kasama matapos mag-resign sa programa si Karla.

Jolina is happily married sa drummer ng Rivermaya band na si Mark Escueta at meron na silang dalawang supling, sina Pele (10) at Vika (5).

Si Marvin ay may dalawang teenage sons na sina Sebastian at Santiago (18) sa non-showbiz girl na si Tetet Dy na nagmula sa isang political clan from the North.

vuukle comment

ANDRES MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with