^

Pang Movies

Lea, babalik sa Broadway

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Lea, babalik sa Broadway
Lea Salonga

Magbabalik sa Broadway si Lea Salonga sa taong 2025 kasama ang Broadway legend na si Bernadette Peters via the musical revue na Stephen Sondheim’s Old Friends.

Mauuna munang itanghal ang Old Friends sa Los Angeles bago ito lumipat on Broadway in March 2025 sa Samuel J. Friedman Theatre.

Unang tinanghal ang Old Friends sa London’s West End noong September 2023 na tumakbo ng 16 weeks. Binuo ito ni Cameron Mackintosh kasama mismo si Sondheim during the COVID-19 shutdown.

Bago pa matapos ang revue, pumanaw si Sondheim noong 2021, pero tinuloy pa rin ito ni Mackintosh bilang tribute niya sa great American composer and lyricist ng mga sikat na musicals tulad ng A Funny Thing Happened on the Way to the Forum (1962), Company (1970), Follies (1971), A Little Night Music (1973), Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street (1979), Sunday in the Park with George (1984), and Into the Woods (1987).

Huling nag-perform on Broadway si Lea sa Here Lies Love kung saan isa rin siya sa mga producer.

Sofia, nakatanggap ng ‘series’ sa 18th birthday

Magandang 18th birthday gift para sa Sparkle Teen Star na si Sofia Pablo ang pagbida nito sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.

Kasama rito ni Sofia ay ang ka-loveteam na si Allen Ansay at ang original ka-loveteam niya noon sa Prima Donnas na si Will Ashley.

Challenging para sa tatlong Kapuso teen stars ang nasabing serye dahil kukunan ang ilang eksena sa loob mismo ng isang city jail na bihira mangyari sa ibang serye.

“Excited ako na ma-experience ‘yung parang mag-taping sa loob ng kulungan kasi it’s something new and hindi kasi lahat ng show na-e-experience ‘yun,” sey ni Sofia who turned 18 nitong April 10.

Kinakabahan naman si Allen dahil gaganap siya bilang inmate sa serye. Kaya nagpalaki ng katawan ito para bumagay siya sa role niya.

Jeff, itinanggi si Jillian

Sa sobrang close ni Jeff Moses kay Jillian Ward, di nakapagtataka kung tanungin siya kung nanliligaw ba siya rito?

Pero ayon sa Sparkada hunk, close friends sila ni Jillian simula noong nagkasama sila sa teleserye na Abot-Kamay na Pangarap. Pareho raw sila ni Jillian na focus sa career at pamilya.

“Sobrang close po kami. Wala pa po ako sa ganu’ng mindset. And I know, same with Jill. Pero hinahayaan ko lang. Hindi naman natin alam kung anong mangyayari bukas. So kumbaga, chill lang,” sey ni Jeff.

Bukod daw kay Jillian, dream girl din ni Jeff sina Kyline Alcantara at Andrea Brillantes.

 

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with