^

Pang Movies

Ivana, kumita ng P10 million sa live selling!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ivana, kumita ng P10 million sa live selling!
Ivana Alawi.
STAR/ File

Ang daming napa-‘sana all’ sa ibinunyag ni Ivana Alawi na kumita siya ng mahigit P10 million sa isang live selling niya sa TikTok.

Inamin ito ng dalaga sa panayam sa News 5 Everywhere matapos siyang bigyan ng parangal ng TikTok bilang TikTok Shop Celebrity of the Year.

“Nag-live (selling) ako from 6 p.m., natapos ako, 12 a.m. ‘Yun ‘yung kumita ng 8 digits,” pagmamalaki ni Ivana.

Sey pa niya, kahit kumikita siya sa pagiging artista at content creator, kailangan pa rin daw ng back-up plans.

“Iba ‘yung business, iba ‘yung pag-aartista. Iba siya. So, you know, ‘pag naging artista ka, parang mag-iisip ka na na ‘ay kailangan ko ng backup.’ So, having a business is really important,” aniya.

Bagama’t naiinggit ang ibang netizens sa binunyag ni Ivana, marami rin naman ang masaya for her dahil deserve naman daw nito ang mga blessings na natatanggap nito simply because marunong itong mag-share sa kapwa.

KC at Sharon, ‘di na mag-ina ang turingan

Nagsalita na si Sharon Cuneta sa tunay na estado nila ngayon ng panganay na anak na si KC Concepcion.

Ayon sa Megastar, ‘estranged’ daw sila ni KC ngayon at sobrang sakit daw nito para sa kanya.

“Ano man ang problema rin namin ng panganay ko, because at this point, we’re estranged, and I’m very very hurt,” pahayag ni Shawie sa panayam ni MJ Marfori ng TV5.

“Pero there are things na tama na ‘yun, there are things na amin na lang,” dagdag pa niya.

Pero siyempre, bilang ina, mahal niya ang kanyang anak at siya na lang ang magtitiis. Pero pagod na rin daw siya na isiksik ang sarili sa ayaw sa kanya.

“And pagbali-baliktarin mo man ang mundo, mahal mo ‘yung anak mo eh, so tiis-tiis na lang bilang nanay, pero dadating sa point na ayaw ko na ring isiksik ‘yung sarili ko sa ayaw sa ‘kin. I’m tired na,” aniya.

Nalungkot naman ang mga nagmamahal kina KC at Sharon na hindi pa rin pala nagkakaayos ang mag-ina.

Ang akala raw kasi nila ay nagkabati na ang mag-ina sa Dear Heart concert nina Sharon and Gabby Concepcion kung saan ay nagkaiyakan at nagyakapan pa sila.

vuukle comment

IVANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with