^

Pang Movies

Ruth, nasa TV5 na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ruth, nasa TV5 na!

Humanda na para sa mabilis na pagsagip sa mga pinakabagong ulo ng balita sa paglabas ng TV5 bilang ultimate destination ng mga update sa balita ngayong tag-init.

Ipinagmamalaki ng Kapatid network na si Ruth Cabal ang anchor ng kanilang bagong newscast sa hapon, ang Frontline Express, isang maikli pero malawak na 15-minutong live update sa balita na ipalalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes sa 3:15 PM.

Sa CNN Philippines huling napanood si Ruth na maituturing na stalwart figure in the world of journalism.

Nagsilbi siyang anchor a CNN Philippines’ daily Filipino newscast, Newsroom Ngayon, producing numerous audio-video packages and live reports.

Bukod dito, siya rin ay part-time lecturer at a state university.

Her fearless pursuit of truth and dedication to quality reporting ang naging daan upang makuha niya ang respeto at paghanga ng kanyang mga katrabaho and viewers alike.

Nakilala rin sa kanyang incisive reporting and insightful commentary, Ruth Cabal brings a wealth of experience and expertise to her role as the newest anchor of Frontline Express.

Ang kanyang pagdagdag sa mga programa ay nagpapatibay sa pangako ng TV5 sa paghahatid ng totoong mga balita.

Pero ito ay magsisilbing pagbabalik din sa pinagmulan ni Ruth, having started her career with TV5, then ABC 5.

sexy actress, nakabili ng bagong bahay na mahigit P110 million ang halaga

Worth P110 million daw ang bagong biling property ng isang sexy actress.

‘Yup, ganun daw kabongga ang bagong house and lot nito.

Matatagpuan daw ito sa isang exclusive subdivision na may mga celebrity din na nakatira.

Over the top daw talaga ang lifestyle ngayon sexy actress.

Imagine pag may gusto raw itong bilhin na bag, shoes, etc., may personal shopper daw ito na nagta-travel abroad.

Sosyal, siya na talaga ang luckiest among them all.

Mariel, ‘di nalusutan si Robin sa Singapore

Naging extra challenge pala kay Mariel Rivera ang kanilang Singapore trip ng mister na si Sen. Robin Padilla nung magpa-medical check up sila kasabay ng panonood ng concert ni Taylor Swift na ngayon lang niya ipinapanood sa vlog.

Ang rason ay hindi siya naka-shopping dahil pinigilan daw siya ng asawang senador.

“Ito ‘yung trip na bawal daw akong mag-shopping. Talagang bawal na bawal. Pinagbawalan niya ako nang matindi kasi mahal na raw ‘yung medical check-up, hindi na raw pwede. Wala nang lusutan talaga,” sabi nito nung nasa loob na siya ng mall.

“All of our favorite shops are right here, tapos, pinagbawalan niya tayo kahit na pera naman natin,” sabi pa niya na tawang-tawa.

“’Eto na ‘yung totoong pagsubok,” dagdag niya.

“Hayy, ang pinakamalaking pagsubok sa lahat,” aniya nang makita niya ang Chanel store.

“Grabe ‘yung self-control and submissiveness na ginawa ko ngayon para… anyway, sasamahan naman ako sa Taylor Swift kaya susunod na lang ako,” sabi pa ng dating TV host na hindi ganito ang naging reaction nang i-bashed dahil sa pagpapa-drip sa office ng mister na senador.

Umabot hanggang ibang bansa ang kontrobersya nito sa gluta drip na  sinabi ni Mariel na vitamin C naman daw at hindi gluta.

Hindi ‘yun itinuring na pagsubok ni Mariel dahil mas matindi pala ang epekto sa kanya nung hindi siya naka-shopping.

Misis ni Robi, umaayos na ang kalagayan

Bumubuti-buti na raw ang kalagayan ng misis ni Robi Domingo na si Maigui.

Ayon sa kanyang life update, na mas maganda ang condition nito kesa last year.

“Life update: about 8 1/2 hours of IV treatment for Maiqui last week (about 10 hours in the hospital ). The doctors told her she has been so much better since last year. Hopefully, we can finally get off other medications and the side effects go away. Proud of you, Maiqs!

“(btw, Pantropiko helped us get thru the treatment that day. Mabuhay, @bini_ph),” post ni Robi na andun ang misis habang nasa treatment area ang asawa.

Malapit nang mapanood ulit ang PBB na identified na kay Robi.

vuukle comment

RUTH CABAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with