^

Pang Movies

Andi, may nadiskubre sa namatay na ina!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andi, may nadiskubre sa namatay na ina!
Andi at pamilya

Nag-upload ng bagong vlog at nagbigay ng update sa kanyang buhay ang dating aktres na si Andi Eigenmann isang buwan matapos pumanaw ng kanyang inang si Jaclyn Jose.

Pinasalamatan niya ang lahat ng nagbigay ng suporta sa pinakahirap na parte ng kanyang buhay at ibinahaging hindi naging madali ang pagkawala ng beteranang aktres.

Naging emosyonal din siya nang pag-usapan ang tungkol sa pagsuporta ni Jaclyn sa kanilang YouTube channel ng kanyang pamilya na Happy Islanders. Sinabi rin niya na si Jaclyn at ang kanyang pamilya ang naging dahilan kung bakit niya pinasok ang pag-vlog.

Ito raw ang naging daan niya para maging updated ang nanay niya sa kanyang buhay.

Biggest fan niya raw talaga ang nanay niya sa lahat ng kanyang ginagawa. Madalas daw nitong pinapanood ang mga video na kanyang ina-upload.

Nilantad niya na ang pinakahuling video na pinanood nito ay ang kanilang latest upload sa kanilang YouTube channel bago ito pumanaw.

Sa kabila ng pagpanaw ng kanyang nanay ay mas magfo-focus na lamang daw siya sa mga magagandang bagay at mas bibigyang oras ang kanyang pamilya.

Nakakatuwang tingnan ang kanyang vlog kung saan nag-enjoy silang mag-bonding ng kapatid na si Gwen na kanyang ipinasyal sa bahay nila sa Siargao.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with