^

Pang Movies

Nancy Mcdonnie ng Momoland, Kapuso na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Nancy Mcdonnie ng Momoland, Kapuso na
Nancy Mcdonnie

Agad nahulaan na si Nancy Mcdonnie ng disbanded Korean girl group na Momoland ang blind item ng Sparkle GMA Artist Center na pipirma ng kontrata sa kanila. May mga pabirong hula at binanggit ang mga pangalan nina Sandara Park, Dasuri Choi, at iba pang K-pop member. Kahapon, winelcome siya ng Sparkle sa Instagram account nila.

May pipirma ng kontrata sa GMA today, kaya lang, parang hindi si Nancy dahil ang clue ay “Kapusong Totoo.”

Sabi, nakitang  bumisita sa GMA last year si Nancy at nakita ring kasama ni Miguel Tanfelix sa shoot ng Running Man Ph sa South Korea.

Kung natatandaan, dapat magtatambal sa isang series ng ABS-CBN sina Nancy at James Reid, nag-presscon na para sa project at magsisimula na sana ang taping, nagka-pandemic lang. Hanggang sa isang interview, ibinalita ni James na hindi na matutuloy ang project nila ni Nancy na may title na The Soulmate Project.

Ngayong nasa GMA na si Nancy, ang hulaan naman ay kung kaninong Kapuso actor siya bagay na ipareha. May mga nagbanggit ng pangalan ni Miguel, David Licauco, at Alden Richards. Kaya lang, nakiusap ang fans ni Alden na ‘wag na ang aktor ang ipareha kay Nancy, iba na lang daw.

Kim at Barbie, mataas ang energy sa kanilang collab

Sa Instagram ni Kim Chiu, makikitang malapit nang mag-100K ang likes sa post ni Kim ng teaser ng back-to-back vlog nila ni Barbie Forteza. Maingay, pero masaya at nag-enjoy ang mga nakapanood sa vlog ng dalawa na nagpalitan nang paggi-guest sa kani-kanyang vlog.

Inunahan na ng dalawa ang manonood pa lang ng kanilang vlog na ‘wag nang mag-earphones dahil sa ingay at lakas ng boses nila, hindi na kailangan ang earphones. Walang nagpatalo sa pagiging loud ng dalawa na sa halip na kainisan ng fans, kinatuwaan pa.

Kaya, hindi na lang ang maging regular si Barbie sa It’s Showtime ang request ng fans, pati na raw TV series at pelikula ay magsama sila.

Nakapag-guest na si Barbie sa show at nakita nilang may chemistry din ang Kapuso Primetime Princess kay Vice Ganda at magki-klik din siya sa iba pang hosts ng show.

Stell, pasok na coach sa Voice Kids

Masaya ang fans ni Stell ng SB19 dahil kabilang siya sa coach sa The Voice Kids na mapapanood na sa GMA-7. In fact, inunahan na ni Stell ang GMA sa pag-a-announce tungkol dito sa All-Out Sundays last Sunday.

Tumingin si Stell kay Julie Anne San Jose nang i-announce na nagbabalik coach siya na ang ibig sabihin, pati rin si Julie ay coach. Deadma pa kunwari si Julie at nag-dialogue na wala raw siyang alam, pero sa tawa nito, alam na nagsasabi ng totoo si Stell.

vuukle comment

MOMOLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with