^

Pang Movies

Matinee idol, nasira ang career sa bading!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa

Tahimik sa Pilipinas dahil panahon ng mga Mahal na Araw, at ganyan naman lagi. Nagulo lang ang entertainment industry nang mangyari noong mamatay si Rico Yan nung Biyernes Santo pa mismo mahigit na dalawang dekada na ang nakaraan.

Pero ang nakatawag ng aming pansin ay isang malaking iskandalo hindi rito sa atin kundi sa Hollywood. Isang paragraph lang ang lumabas sa isang social media platform na nag-aakusa sa isang top executive ng isa sa pinakamalaking music company sa US na diumano ay sangkot sa pagda-drug ng isa sa kanilang pinakasikat na singer upang iyon ay paulit-ulit na“mapagsamantalahan” ng mga baklang pedophile sa music industry.

Sus, ganoon pala kalala ang sitwasyon sa US. Dito sa atin may nangyayari ring ganyan. May isang matinee idol noon na pinainan din ng droga ng isang showbiz personality at blogger para “mai-deliver” niya sa “Kaibigan” niyang bading na may kursunada doon. Sayang iyong bata dahil sa ganoong karanasan nagumon sa droga at nasira ang career at ang kinabukasan.

Biglang may nagsabi sa amin “ganyan din ang nangyayari ngayon sa isang matinee idol na napakataas ang ambisyon na maging international star” talaga ba?

Kung sabagay kahit na dito may narinig na kami tungkol diyan.

Pero isang malawakang imbestigasyon na ngayon ang ginagawa sa US laban diyan sa sex ring na iyan.

Hindi kaya dapat may lumitaw na rin at magkaroon din ng ganyang imbestigasyon dito sa Pilipinas?

Nadia, ‘di maituro ang anak sa male star!

Naglabas ng isang picture si Nadia Montenegro sa kanyang social media account kung saan naroroon ang lahat ng kanyang naging walong anak. At sinasabi ngang ang walong anak niya ay anak sa dating nakarelasyong si dating mayor Boy Asistio ng Caloocan. Hindi namin sinasabing si Nadia ang asawa ng namayapang dating mayor pero siya ang huling kasama noon hanggang sa mamatay, kaya nga siguro nakawalong anak sila eh. Wala namang sinasabing nagkaroon ng ganoon karaming anak ang dating mayor sa ibang nakarelasyon niya.

Pero kung totoong walo nga ang anak ni Nadia, at iisa ang tatay ng walo, mali pa rin ang tsismis na nagkaroon siya ng relasyon at anak sa isang male star.

Hindi naman kami maaaring maniwala sa tsismis na iyon kung hindi nila matutukoy kung sino ang kanilang sinasabi. Hindi naman matukoy ng male star si Nadia, at hindi rin niya maituro kung isa nga sa walong anak ni Nadia ay anak niya. Subukan nilang palakihin pa ang tsismis at panibagong demandahan na naman ang haharapin nila.

TVJ, inisnab ang National Artist

Maugong din ang naging sagot ni Joey de Leon sa sinasabing dapat ding maideklara nang “national artists” ang TVJ. Ang sagot ni Joey, “huwag na.”

Una-una, hindi naman kailangan ng TVJ ang ganyang title.

Kung sikat ka naman at gusto ka ng tao kagaya ng TVJ aba eh hindi na nila kailangan pa ang ganyang title. Sinusuportahan sila ng tao. Ang mahalaga ay iyong sinusuportahan ka ng tao bilang isang artista hindi title lamang.

vuukle comment

NADIA

TVJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with