Agsunta, manlilibre sa kanilang 10th anniversary

Agsunta

Handang-handa na ang Pinoy pop-rock band na Agsunta para sa kanilang 10th anniversary concert sa isang araw, March 23, The Agsunta 10th Anniversary: Isang Pasasalamat. Gaganapin ito sa SM City Tanza, Cavite, ng libre. Yup, you read it right, walang bayad, as in lahat pwedeng manood.

Matapos ngang makakuha ng massive reaction sa digital platforms ang grupo, naisip nilang magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila sa pamamagitan ng isang concert.

Sa Cavite nag-umpisa ang lahat sa kanila kaya naman pakiramdam ng Agsunta ay ito ang tamang way para mapasalamatan lahat ng mga sumusuporta sa kanilang musika na la­ging viral.

“We’re proud Caviteños, and this is where it all began for us. We wanted to give back to our community and celebrate with the people who have been with us since the beginning,” say ng grupo sa isang group interview kamakailan.

Sabik na ang grupo na iparinig ang kanilang biggest hits katulad ng Kung Di Na Ako, Alas Dose, Bagong Umaga, Gusto Kong Lumipad, Di Man Lang Sinabi at iba pa.

May special appearances sina Nef Medina at 1621 BC upang mas maging unforgettable ang nasabing concert.

 After the concert nag-promise rin ang Agsunta na binubuo nina Stephen Arevalo (drums), Jireh Singson (vocals), Mikel Arevalo (lead guitar), and Josh Planas (bass) na gagawa pa sila ng mas magandang mga kanta na hindi naman gaanong ‘masakit’ ang hugot.

At sobra ang pasasalamat nila sa 10 years nila sa industry na hanggang sa liblib na lugar ng Pilipinas ay alam ang kanilang mga kanta.

“Minsan talagang nakaka-amaze na alam na alam nila. Hindi namin ini-expect,” sabi ni Joss bukod sa loyal followers nila sa YouTube na almost P1.5 million.

Nag-umpisa ang Agsunta bilang indie band hanggang napansin sila ng Star Music under the management ng PPL Entertainment, Inc.

Show comments