Tagumpay ang surprise birthday party para kay Mr. Johnny Manahan sa Resorts World Manila last Saturday night.
Chika ng isa sa mga invited sa nasabing party, pinag-isipan ng partner nitong si Mariole Alberto kung paano mapapapunta si Mr. M sa nasabing party na black and white ang theme.
Si Keren Pascual ang isa sa organizer nito na nag-celebrate rin ng birthday recently kasama ang iba pang mga taga-Star Magic.
Nag-celebrate nga ng 77th birthday si Mr. M last Feb. 11.
Naka-formal ang lahat ng mga dumalo sa party na ang hashtag ay #MrMNightof100Stars.
Pero sa kasalukuyan ay consultant si Mr. M sa talent arm ng GMA 7, ang Sparkle.
Hanggang July this year pa raw ang contract nito sa Sparkle kaya hindi totoong wala na ito sa GMA dahil nga majority sa naging bisita sa nasabing party ay pawang Kapamilya stars.
At ang isa sa nag-trending na ganap sa nasabing party ay pagbabati nina Bea Alonzo and Julia Barretto.
Common knowledge ang naging kontrobersya kina Bea at Julia dahil kay Gerald Anderson na hindi nakadalo sa nasabing party dahil ayon daw kay Julia ay nasa Mindanao ito for a mall show.
At ang tulay raw ng kanilang pagbabati, si Darren Espanto.
Hindi lahat ng nasa party ay naging witness sa nasabing reconcilation nina Bea at Julia.
Nakitang ok din doon ang mag-titang sina Claudine Barretto at Julia.
Pero ang isa sa mga na-miss sa party ay si Daniel Padilla. Hindi raw ito nakarating dahil nasa Boracay ito.
Present si Kathryn Bernardo at andun din si Jericho Rosales na nili-link kay Kathryn.
Anyway, happy happy nga raw ang lahat ng mga andun sa party at walang umeksena.
Si John Lloyd Cruz ay nag-upload ng ilang photos sa kanyang Instagram ng mga kaganapan sa party.
EA Guzman, aminadong maraming sakripisyo sa pagiging celibate
Aminado si EA Guzman na hindi madaling maging celibate. As in wala silang intimate moments ng girlfriend na si Shaira Diaz.
Nauna nang sinabi ng actor na naipangako niya ito sa girlfriend at sa pamilya nito na hindi sila tutulad sa ilang showbiz couples na nagli-live in muna bago pakasal.
Kaya naman marami ang pumuri sa kanya.
Hiningan namin siya ng reaction at biglang naging ‘role model’ siya dahil doon. “Ang sarap lang din basahin nung mga nakikita kong comments and write-up about us, about Shaira and me,” umpisa nito after the Best Time Ever presscon ng ilang programa ng GMA 7.
“Siguro sinasabi nila na hanga sila, idol ganyan. Maraming salamat kasi mahirap din sa akin. Hindi siya madaling gawin. Kumbaga ang dami ko rin sacrifices pero ‘yun nga ginawa ko ‘yun because of Shaira, dahil mahal ko si Shaira,” katwiran ng actor na napapanood sa programang Bubble Gang.
“So sa lahat ng mga humahanga, maraming salamat po and kaya ninyo rin ‘yan. Kung kaya ko, kaya ninyo rin ‘yan. So kami lang naman ni Shaira hindi namin ‘yun sinabi or in-announce because gusto lang namin magpasikat. Gusto rin namin na may mapulot silang magandang lesson sa amin. About sa relationship namin and ‘yung love namin sa isa’t isa,” dagdag ng actor.
Maritoni, halos hindi na maalala kung kailan gumaling sa cancer
Twenty three years na palang cancer-free si Maritoni Fernandez.
Maagang nadiskubre ng mga doctor ang kanyang breast cancer, stage 2. “Yes, praise God. I was diagnosed in 2001, so it’s now... hindi ko na nga nabibilang. 2024 na, so 23 years. Cancer-free for 23 years. Nawala na talaga. Praise God,” pag-alala ng actress na kilala ngayon bilang Barley Queen.
Yup, massive ang success ng kanyang negosyong barley na sinasabing diumano’y nakatulong sa kanya upang gumaling sa nasabing sakit. So tama ‘yung impression na nakakagaling ng cancer ‘yung barley? “It can. Actually, when you do the research online, barley can heal cancer. It’s been known to heal cancer, even ‘yung mga stage 4. But I personally don’t recommend it, because, personally, I did chemo and radiation therapy. Ang ginawa ko, I did all of those with the barley. Kasi, of course you cannot compare naman something that has had all these studies by medicine, ‘di ba? So for me, it has positives and negatives. Kapag kasi purong gamot ang ginagamit mo nakakapatay din ng healthy cells sa katawan, which is what chemotherapy does. So kapag nag-take ka naman ng food supplement like barley, ang nangyayari na maganda is nagre-recover ‘yung mga pinatay na cells,” paliwanag niya tungkol sa kanilang Amazing Pure Organic Barley sa ilalim ng kumpanya nilang IAMWorldwide na ang bagong ambassador ay si Marian Rivera.
Kailan officially nag-start ‘to? “I got sick 2001 umuwi ako, 2000 ako nagkasakit. I started the barley business in Mercury in 2005. Tapos nag-meet kami nila AM (business partner) 10 years ago. And then we supplied previous company, after no’n we decide to put up our own na.”