^

Pang Movies

Rabiya, tinigilan na ang pangingialam kay Jeric!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rabiya, tinigilan na ang pangingialam kay Jeric!
Rabiya Mateo

Inamin ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na minsan na siyang naapektuhan sa mga kuwento at opinyon ng ibang tao tungkol sa kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales.

Nahirapan nga raw si Rabiya noong una sa relasyon nila dahil sa mga lumalabas na chismis tungkol sa aktor.
“First time kong mag-date ng celebrity and minsan ang daming opinyon ng mga tao, ang daming sinasabi about him and at first, I was shaken about it. Parang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabi ni Jeric o ‘yung sinasabi ng mga tao about him kasi ibang-iba eh,” sey ng TikToClock host.

Pero sa kabila ng mga lumalabas tungkol kay Jeric, mas pinili raw ni Rabiya na paniwalaan ito: “Kasi nakita ko kung gaano siya kaseryoso at pinaramdam niya ‘yun sa akin.”

Inamin din ng Sparkle star na noon ay may access siya sa phone ni Jeric. Pero ngayon daw ay malaki na ang tiwala nito sa boyfriend kaya hindi na raw siya nakikialam sa cellphone nito.

March 2022 noong aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon. After a few months ay bigla silang naghiwalay, pero one week lang daw ang breakup at nagkaayos daw sila kaagad.

Kelan lang ay magkasama ang dalawa na nanood ng concert ni Ed Sheeran.

Gil, naka-gold sa Jiu Jitsu

Habang wala pang bagong teleserye, naging abala si Gil Cuerva sa martial art combat sport na Jiu Jitsu at kelan lang ay napanalunan nito ang kanyang unang gold medal sa naturang sport.

Post nito sa Instagram: “It took a lot of convincing, but last Saturday, I actually joined my first Jiu Jitsu competition. I’m proud to say that I earned a gold medal in my first ever competition by winning all 3 matches. Ironically, prior to the competition, I felt like I wasn’t even ready to compete. Not bad for a hobbyist, I guess? Hehe. There’s still so much room for improvement (I’ve only been training for about 9 months) but I’m enjoying the process of learning and the grind to becoming better. First gold of hopefully more to come. Oss!”

Kung tutuusin daw, sa edad niyang 28 ay medyo matanda na raw siya para sa sport na Jiu Jitsu. Bata pa raw nagsisimula  ang iba. Pero hindi raw naging hadlang ang edad sa kanya para matutunan ang sport na ito.

“It’s never too late to try something new and to reinvent yourself but you just need to make the change from one day,” sey niya na huling napanood sa teleserye na Love You Stranger.

Sharon Stone, nilantad na pinilit makipag-sex sa leading man!

Inamin ng Hollywood actress na si Sharon Stone na pinilit siya noon ng isang film producer na makipag-sex sa aktor na si Billy Baldwin para raw umayos ang pag-arte ng aktor sa pinagsamahan nilang pelikula na Sliver noong 1993.

Pinag-usapan sa isang podcast ang 2021 memoir ni Sharon na The Beauty of Living Twice. Sa isang chapter, nabanggit ng 66-year-old actress na ang late producer na si Robert Evans ang nag-pressure sa kanya na makipag-sex kay Baldwin.

Dagdag pa ng aktres na bago raw sila mag-shoot ng movie, nag-suggest siya ng ilang actors para makasama sa movie, pero pinilit daw ng producer si Billy Baldwin. Sa screen test pa lang daw ay pumalpak na ito.

Reaction ni Billy Baldwin sa mga sinabi ni Sharon: “Wonder if I should write a book and tell the many, many disturbing, kinky and unprofessional tales about Sharon? That might be fun.”

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with