^

Pang Movies

Leandro, nagkalat ang mga ginawang santo sa mga simbahan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Leandro, nagkalat ang mga ginawang santo sa mga simbahan
Leandro Baldemor
STAR/File

Ang seasoned actor at kilalang sculptor na si Leandro Baldemor ang kinomisyon ng Society of the Philippine Entertainment Editors (SPEEd) para sa tropeo ng 7th edition ng The EDDYS (The Entertainment Editors Choice).

Bukod nga sa pagiging versatile actor, isa ring magaling na iskultor o wood carver si Leandro na mula rin sa kilalang pamilya ng mga visual artist sa Paete, Laguna.

Ang kanyang lolo na si Venerando Baldemor ay nakilala sa paggawa ng mga bakya na gawa sa kahoy na ine-export noon sa Japan at iba pang bansa habang ang tatay niyang si Wallie Baldemor ay sumikat ang handicrafts business sa Paete.

At tulad ni Leandro, isang sikat na painter-sculptor din ang kanyang pinsan na si Manuel Baldemor na kilala ring book illustrator.

Karamihan sa mga obra ni Leandro bilang isang manlililok ay mga imahen ng Panginoong Hesukristo, ni Virgin Mary at iba’t ibang mga santo na talagang pang-world class ang kalidad at pang-export.

Marami na ring nagawang imahe ng santo si Leandro sa iba’t ibang simbahan sa buong Pilipinas.

Kaya naman nagpapasalamat ang SPEEd sa pagpayag ni Leandro na siya ang gumawa ng bagong disenyo ng ipamimigay na tropeo sa gagana­ping The EDDYS ngayong taon.

Ayon sa aktor, pinag-isipan niyang mabuti kung paano mas pagagandahin at mas patitibayin ang trophy ng The EDDYS, lalo na ang magiging design nito para maging akma sa mission and vision ng SPEEd bilang isang credible award-giving body sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay tinatapos na ng aktor at iskultor ang tropeo para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS at nakatakda ang unveiling nito bago ang pinakaaabangang awards night sa darating na Hulyo, 2024.

Nauna rito, inihayag din ng SPEEd bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng movie industry, isang special award ang ibibigay sa 7th edition ng The EDDYS.

Dito ay bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

At sa ipagkakaloob nilang bagong award, ‘The EDDYS Box Office Heroes,’ gustong parangalan ng EDDYS ang stars of films that brought audiences back to theaters.

“We at SPEEd believe this recognition will encourage film production entities to create movies that are both commercially viable and impactful.

“By acknowledging the contributions of those who helped revive cinema attendance, SPEEd aims to inspire the industry to continue producing films that captivate and engage viewers,” ayon sa officials and members ng organisasyon na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals / websites sa Pilipinas.

Ang pamamahagi ng parangal ng SPEED sa pamamagitan ng The EDDYS ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

 

KathNiel, LizQuen, at JaDine, bubuhayin sa ALLTV

Tatlo sa pinakaminahal na Kapamilya teleserye – Pangako Sa’yo (2015), Forevermore, at On The Wings of Love ang bubungad sa bagong primetime block ng ALLTV na All-Time Saya kasama ang Minute To Win It at TV Patrol simula Lunes (Mayo 13).

Pagkatapos ng simulcast ng TV Patrol, maaari nang balikan ng mga manonood ang pag-iibigan nina Angelo at Yna na ginampanan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa hit remake ng Pangako Sa’yo Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m.

Kabilang din sa programa sina Ian Veneracion bilang Eduardo at sina Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban sa papel ng magkalaban nang dahil sa pag-ibig na sina Amor at Claudia.

Matutuwa naman ang Forevermore fans na saksihan muli ang pagmamahalan nina Xander, isang anak ng hotel magnate, at Agnes, dalagang anak ng isang strawberry farmer.

Mapapanood ang hit teleserye na kinunan pa sa Sitio La Presa sa Baguio tuwing 8:45 p.m.

Isa pang magandang kwento ng pag-ibig ang matutunghayan pagsapit ng 9:30 p.m. sa On The Wings of Love tampok sina Leah na binigyang buhay ni Nadine Lustre at Clark na ginampanan ni James Reid na mapipilitang magpakasal sa Amerika.

EDDYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with