Pinoy drag artist ni Taylor Swift, may endorsement na sa abroad
Natupad ang “wildest dream” ng Pinoy drag artist ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh a.k.a. Mac Coronel dahil napanood na niya nang live ang kanyang idol sa concert nito na The Eras Tour sa Tokyo, Japan.
Suot ni Sheesh sa concert ay floral dress by Robert Macdon Gayeta na ginaya sa sinuot ni Taylor sa 2021 Grammy Awards
Post pa ni Sheesh sa Instagram: “WHAT’S THE FIRST LETTER OF JAPAN? JEYYYY. My Swiftie heart is so so so happy! This is my first time to see Taylor Swift and watched her concert live.”
Dahil sa pag-viral ng pag-impersonate niya kay Taylor, na-feature si Sheesh sa Good Morning America, Rolling Stone, Pop Crave, and Gay Times.
“Hindi pa nagsi-sink in. Siguro kasi sobrang pagod pa ako sa mga nangyari tapos may work pa ako, so hindi ko alam kung paano ako magre-react,” sey ni Sheesh na kinuha ring endorser ng isang international make-up brand.
Celine Dion, sinalin sa docu film ang kakaibang sakit
Maglalabas ng documentary film si Celine Dion para ma-share nito ang kanyang experience sa pagkakaroon ng Stiff Person Syndrome.
Sa post ng Canadian singer sa IG, si Irene Taylor ang nagdirek ng docu at ipapalabas ito sa Prime Video na may title na I Am: Céline Dion.
“This last couple of years has been such a challenge for me, the journey from discovering my condition to learning how to live with and manage it, but not to let it define me. As the road to resuming my performing career continues, I have realized how much I have missed it, of being able to see my fans. During this absence, I decided I wanted to document this part of my life, to try to raise awareness of this little-known condition, to help others who share this diagnosis,” caption pa niya.
Ayon sa Stiff Person Research Foundation ang naturang condition ay “neurological disease with autoimmune features. Symptoms include muscle spasms, hyper-rigidity, debilitating pain, and chronic anxiety. Muscle spasms can be so violent they can dislocate joints and even break bones.”
December 2022 noong isapubliko ni Celine ang kanyang sakit. Kinailangan niyang kanselahin ang kanyang tour para matutukan ang kanyang kalusugan.
- Latest