Gabbi, may ilalantad na baby!

Gabbi Garcia.
STAR/ File

Napaka-busy pala ng Kapuso actress ngayon na si Gabbi Garcia.

Magkakaroon daw sila ng special project ng boyfriend na si Khalil Ramos. Ito raw uli ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sila pagkatapos gawin ang Love You Stranger. Digital series ito at sinimulan na raw nila noong isang lingo pa.

Siguradong nakaabang ang fans nila pero hindi pa raw nila pwedeng sabihin ang titulo.

Bukod sa espesyal na proyekto ay meron din siyang bagong negosyo.

Eyewear at accessory brand daw ito at sobra raw ang excitement niya rito dahil  hands-on siya sa bubuksang negosyo.

Very personal daw iyon sa kanya at ginagawa raw niya sa kasalukuyan ang maliliit na detalye nito. Baby nga raw niya iyon at isa itong tila passion project kaya ganon na lamang daw ang kasabikan niya.

Bukod pa sa mga roon ay kasalukuyan pa rin silang tourism ambassadors ng Taiwan ng karelasyon niyang si Khalil. Kaya naman hinihikayat nila ang iba pang mga mag-jowa na mag-travel dahil doon daw nila makikilala ang isa’t isa.

Marami raw silang nadidiskubre sa isa’t isa tuwing bibiyahe sila at marami silang natututunan.

Ang bongga naman pala nina Gabbi at Khalil kaya naman sabik din ang fans kung sa altar na rin ba ang tuloy ng relasyon nila.

Show comments