Janice, nangakong ‘di na ulit pakakasal
Wala na raw balak na mag-asawa ulit si Janice de Belen. Kahit na may blessing pa raw ito mula sa kanyang mga anak, kuntento na raw siya sa buhay niya ngayon.
“Nung nag-asawa ako, it was different kasi feeling mo, ‘yun na ‘yung true love mo, ‘yun na ‘yung forever mo. And then, when it fails, then you try again, and then it fails. And okay, maybe I should stop doing this. Kasi fail ka nang fail eh. Baka hindi ‘yan para sa’yo,” sey ni Janice na ang tinutukoy ay ang failed marriage nila ni John Estrada kung kanino meron siyang apat na anak.
Kinasal sila noong 1992 at na-annul ang kasal nung 2004.
Ayon kay Janice ay nagawa na raw niyang mapatawad ito sa mga nangyari sa pamilya nila.
“Because I will not get to this stage in my life kung hindi ako natutong magpatawad. And I think that was the first thing that I wanted to do, was forgive. But forget is another story,” diin pa niya.
Sa ngayon, ang mga importanteng lalaki na lamang sa buhay niya ay ang kanyang ama, mga anak niyang lalaki, at apo niyang lalaki sa panganay niyang si Luigi Muhlach.
Nagpasikat kina Regine, babalik na!
Malapit nang mapanood ang pagbabalik ng Tanghalan ng Kampeon sa GMA.
Sa Tanghalan ng Kampeon, itatanghal ang mga mahuhusay na mga Pinoy pagdating sa kantahan.
Ilulunsad ito ngayong February 2024 bilang isang segment sa TiktoClock.
Ang Tanghalan ng Kampeon ay revived edition ng Ang Bagong Kampeon na umere noon sa RPN 9 noong 1982 hanggang 1987 at naging hosts sina Pilita Corrales at Bert “Tawa” Marcelo. Lumipat ito sa GMA from 1987 to 1992.
Ilan sa mga sumikat na contestants ng show ay sina Regine Velasquez, Donna Cruz at Josephine “Banig” Roberto.
Taylor Swift, kinabog ang mga CEO at Execs!
Si Taylor Swift ang tinanghal na number one sa Billboard’s Power 100 List. Kinabog nga ng Anti-Hero singer ang maraming CEO at executives, maging ang power players ng music industry.
Nag-top siya last year ng 11 times sa Billboard Hot 100; 13 times sa Billboard 200; 9 times sa Hot Country Songs chart and 12 times sa Pop Airplay. Ginawaran din siya bilang Billboard’s Woman of the Year noong 2014 and 2011; and Billboard’s Woman of the Decade in 2019.
“The piece of advice I would give to the other executives on this list is that the best ideas are usually ones without industry precedent. We have to take strategic risks every day in this industry, but every once in a while, you have to really trust your gut and take a flying leap,” sey niya na tinanghal din na 2023 Person of the Year ng Time Magazine.
Magsimula na ulit ang international run ng The Eras Tour starting Feb. 7 sa Tokyo, Japan.
- Latest