MANILA, Philippines — Ang bongga naman ng magkarelasyong Barbie Forteza at Jak Roberto na puro kilig vibes lang.
Nagselebreyt sila ng kanilang monthsary at nagpalitan sila ng sweet messages sa social media.
Binati ng Pulang Araw actress ang boyfriend sa pagpo-post ng litrato nito habang ipinost naman ng kapatid ni Sanya Lopez ang litrato nilang magkarelasyon.
Makikitang hindi nagpaapekto ang JakBie sa naging intriga sa aktor kamakailan kung saan ikinuwento ng isang sexy star na si Ava Mendez kung paano naging touchy si Jak nang ito’y malasing sa isang party.
Mother Lily, nakiselebreyt sa fiesta ng Sto. Niño
Fiesta ng Sto. Niño today kaya ang daming lugar ang may fiesta.
Nakakatuwa naman na masaya sa maraming lugar at parang limot na ng lahat ang nakaraan na pandemic.
Kaya naman hindi kataka-taka na meron nang malalaking party tulad ng binigay ni Mother Lily Monteverde para sa anak na si Meme at asawang si Stephen ng wedding anniversary ng dalawa.
Masaya ako na hanggang ngayon parang ang healthy-healthy pa ni Mother Lily Monteverde na talagang pillar ng showbiz.
Miss na miss ng lahat ang pagiging very busy ng Regal noon na kasabay ng Viva ay talagang pinanggalingan ng malalaki nating stars.
Ay naku, we really miss those happy days, bongga.