Mga anak ni LJ, ayaw nang bumalik ng bansa
Mukhang wala pang planong bumalik ng Pilipinas ang Kapuso actress na si LJ Reyes ngayong may sarili na siyang pamilya sa New York, USA matapos ang kasal nila ni Philip Evangelista last October 2023.
Si Philip has a grown-up son sa dati nitong karelasyon habang si LJ ay may dalawang anak sa kanyang dalawang ex-partners na sina Paulo Avelino at Paolo Contis.
LJ has a 13-year-old son sa Kapamilya actor na si Aki habang si Summer Ayana (4) ay anak niya sa Kapuso actor na si Paolo Contis.
Hindi man naging maganda ang paghihiwalay nina LJ at Paolo nung 2021 na naging rason ng paglipad ng aktres patungong New York, doon naman niya nakita at nakilala ang kanyang mister ngayon.
Since adjusted at nag-aaral na sa Amerika ang mga bata, wala sa immediate plans ng Kapuso actress na bumalik sa bansa lalupa’t maganda na ang kanilang kalagayan ngayon sa Amerika.
Janice, Gelli, Carmina at Candy, may drama sa roadtrip
Showing na ngayong Jan. 17, 2024 ang pelikulang Roadtrip na pinagbibidahan ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen kasama ang mga kaibigan nila (for decades) na sina Carmina Villarroel at Candy Pangilinan. Ito’y pinamahalaan ni Direk Andoy Ranay under Viva Films na ang isa sa mga location ng pelikula ay ang Mt. Pulag na siyang pinakamataas sa Northern Luzon at pangatlo sa buong Pilipinas.
Ayon sa apat na lead stars ng film, sobra umano nilang in-enjoy ang Roadtrip movie dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-bonding habang sinu-shoot nila ang pelikula.
Magkakaiba man ang respective characters ng apat, never umanong umabot na sila’y mag-away o magkaroon ng tampuhan. Naroon umano ang bawat isa sa kanila para magsuportahan laluna kung may pinagdadaanan ang sinuman sa kanilang apat.
Huling pelikula ni Ronaldo, ipalalabas sa sinehan
Kung hindi lamang na-extend ang 49th Metro Manila Film Festival ay linggu-linggo sanang may pelikulang palabas sa mga sinehan ang Viva Films sa pagpasok ng taong 2024.
Dapat sana’y palabas nung Jan. 8, 2024 ang ZomBabe nina Empoy Marquez at Kim Molina bilang pambuena-mano ng Viva sa taong 2024 pero ito’y nausog to Jan. 15, araw ng Lunes. Pero dalawang pelikula ang palabas sa linggong ito – ang ZomBabe on Jan. 15 at sa Jan. 24 naman nakatakdang ipalabas ang Itutumba Ka ng Tatay Ko nina Janno Gibbs at Xia Vigor at siyang directorial debut ni Janno. Ito rin bale ang last movie ng namayapang veteran actor at ama ni Janno na si Ronaldo Valdez.
Sa Jan. 31 naman ay ipapalabas na rin ang Philippine adaptation ng Korean movie na My Sassy Girl kung saan naman tampok sina Toni Gonzaga at Pepe Herrera.
Ayon sa big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, Jr., nakahanda na umano ang kanilang film line-up sa unang quarter ng 2024.
Mga K-actor, namamasyal sa ‘Pinas!
Alam mo, Salve A., nagsisi ako na hindi man lamang ako nakapagpa-picture sa Korean actress na si Park Eun-hye dahil hindi namin siya namukhaan na siya ang star ng kinagiliwang K-drama sa Pilipinas, ang Jewel in the Palace na nakailang replay sa GMA.
Si Park Eun-hye ay isa sa lead cast ng pelikulang The Guardian na pamamahalaan ng Korean director Jeong Jang-hwan and will be shot in the Philippines. Ito’y unang kolaborasyon at joint venture ng Korean production na Will Studios, ng Viva Films, Ovation Production kasama ang Parallax Studio, Robosheep Studios at GV Labs. Ang nasabing pelikula ay nagtatampok din ng ilang Filipino actors tulad nina Yassi Pressman, Joko Diaz, Wilbert Ross, Emil Ejerico at iba pa.
Ang Korean cast and production staff ay kasalukuyang nasa bansa in preparation for the shoot at kasama na rito ang mediacon na ginanap sa Viva Café a few days ago.
Bukod kay Park Eun-hye, kasama rin sa movie sina Nam Woo-hyun, Han Jae-seok at iba pa.
Excited ang Korean actors, director and production staff and crew dahil first time nila sa Pilipinas.
The movie is intended for international release.
- Latest