Kathryn, mas piniling i-follow si Alden

Alden Richards.

Dahil naging controversial  ang pag-a-unfollow ni Kathryn Bernardo kina Daniel Padilla at kina Liza Soberano, Gillian Vicencio, at Julia Barretto, tsinek namin ang Instagram ni Kathryn.

May 20.3 million followers si Kathryn, making her the most followed Filipino star at naungusan niya si Anne Curtis na matagal na nag-number one with the number of followers  with 20.2 million. May 1,561 na lang na pina-follow si Kathryn at hindi na kasali rito ang mga in-unfollow niya.

Sa pagtsi-check pa rin, nabasa namin ang pangalan ni Alden Richards na isa sa pina-follow ni Kathryn. Naging friends ang dalawa nang magtambal sa Hello, Love Goodbye at kahit pala may KathNiel fans na galit kay Alden, pina-follow pa rin siya ni Kathryn.

Hindi lang naman si Alden ang Kapuso actor ang pina-follow ni Kathryn, marami sila sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nagulat lang kami na hanggang ngayon, pina-follow pa rin ni Kathryn si Kristoffer Martin. Kung natatandaan ninyo, sila ni Kristoffer ang gumanap na young Johnny and young Jenny  sa Endless Love ng GMA-7 na ginampanan nina Dingdong at Marian respectively. Nanatiling magkaibigan ang dalawa.

And speaking of Kathryn, ni-like nito ang post ni Mark Salamat na nagsasabing, “A Mistake Repeated More Than Once Is A Decision.”

Sabi ng fans, si Mark ay common friend daw nina Kathryn at Daniel at naging tulay daw ni Daniel sa panliligaw nito kay Kathryn, kaya binigyan ng ibang meaning ng iba ang pagla-like ni Kathryn sa post nito.

Pelikulang Jose Rizal, ipalalabas ulit

Dalawa sa pelikula ng GMA Films ang ipina-restore  at masayang ibinalita ni Ms. Nessa Valdellon na tapos na ang restoration ng mga pelikulang Jose Rizal at Moments of Love.

Ang Jose Rizal ay pinagbidahan ni Cesar Montano sa direction ni Marilou Diaz-Abaya at ipinalabas sa 1998 Metro Manila Film Festival. Ito raw ang first and only film na nanalo ng most awards sa MMFF dahil sa 18 categories, 17 ang napanalunan nito.

Ang Moments of Love ay pinagbidahan nina Iza Calzado, Karylle, Dingdong Dantes at Ms. Gloria Romero na ipinalabas noong 2006. Si Mark Reyes ang director ng romance movie na tumatak sa moviegoers.

Ang balita, muling ipalalabas ang Jose Rizal sa mga sinehan sa Sine Singkwenta na part ng 50th anniversary ng MMFF this year.

Marami na ang naghihintay sa pelikula at pati ang mga nakapanood na noong 1998 ay gustong mapanood uli ang biopic ng ating National Hero.

Ipalalabas din sa cinemas ang Moments of Love, wala pa lang nababanggit na detalye ang GMA Pictures na dating GMA Films. Ang Central Digital Lab na pagmamay-ari raw ng ABS-CBN ang nag-restore ng mga pelikula ng GMA Films.

Binago pala ng TAPE Inc., ang title card ng noontime show nilang  Tahanang Pinakamasaya at hindi na nagmukhang kapareho ng title card ng Sunday Pinasaya. Nakatulong siguro para baguhin ng TAPE Inc., ang title card ng kanilang noontime show dahil marami ang nag-react.

Show comments